Magpapabaril ako kay Duterte | Bandera

Magpapabaril ako kay Duterte

Ramon Tulfo - September 23, 2014 - 02:12 PM

SINABI ni Davao City Mayor Rody Duterte na babarilin niya ang sinuman ang nasa likod ng mga pagkilos upang kumbinsihin siyang tumakbo pagka-pangulo sa 2016.

Magpapabaril ako kay Duterte.

Isa ako sa di mabilang na mamamayan na gustong kumandidato si Duterte bilang pangulo sa 2016.

Kasalanan bang masyadong nagtitiwala sa iyong kakayahan na maging pangulo ng bansa, Rody Duterte?

Kailangan ka ng Pili-pinas bilang pangulo
upang tunay na maituwid mo ang daan tungo sa kaunlaran at katahimikan.

Gawa at hindi salita ang kailangan ng bayan upang maituwid mo ang balu-baluktot na daan.

Kailangan ng bansa ang isang lider na makapagdidisiplina ng buong Philippine National Police (PNP) gaya nang pagdisiplina niya sa kapulisan sa kanyang teritoryo.

Kailangan ng bansa ang isang lider na magpupuksa ng krimen sa buong bansa gaya ng pagpuksa niya ng krimen sa kanyang lugar.

Dahil sa pagpuksa ng krimen, ang dating napakagulong lugar ay na-ging pinakatahimik na lungsod sa buong bansa.

Kailangan ng bansa ang isang lider na ginagalang ng mga rebeldeng Moro at ng New People’s Army dahil palagi siyang nakikipag-usap sa kanila.

Dahil sa kanyang palagiang dayalogo sa mga rebelde, hindi ginagalaw ang Lungsod ng Dabaw ng mga rebeldeng Muslim at NPA.

Kailangan ng bansa ang isang lider na nahihikayat ang lahat ng re-sidente ng Davao City na huwag magpaputok ng rebentador sa tuwing pagsalubong sa Bagong Taon.

Kung nagawa niyang kumbinsihin ang kanyang mga constituents sa Davao City na sumunod sa kanyang utos, malamang ay makukumbinsi rin niya ang buong bansa na sumunod sa batas. Ganoon kalakas ang charisma ni Duterte.

Kailangan natin ng isang lider na mahal at ginagalang ng masa at alta sociedad sa kanyang lugar dahil alam nila na hindi sila ninanakawan nito.

Kung sa Davao City, na isang mayamang lungsod, ay hindi nagnakaw si Duterte, kaya pa sa buong bansa? Anong pinagkaiba ng isang malaki at maunlad na siyudad sa buong bansa?

Kailangan natin ang isang lider na ginagalang ng mga negosyante sa kanyang lugar dahil hindi sila pinahihirapan o ginigipit ng city government.

Dahil sa magandang business climate sa Davao City, maraming negosyante ang pumapasok at nagbabalak na magtayo ng kanilang mga negosyo sa siyudad.

On a larger scale, maraming papasok na foreign investors sa ating bansa kung si Duterte ang mailuluklok sa Malakanyang.

Hindi ako mahihiyang aminin na para akong nangangampanya para na kay Duterte na wala pa sa panahon.
Ngayon, Rody, puwede mo na akong barilin dahil sa aking pangungumbinsi sa iyo.

Bigyan natin ng benefit of the doubt si Vice President Jojo Binay.

Paniwalaan natin siya sa kanyang sinasabi na siya’y hindi nangungurakot; na ang mga akusasyon sa kanya ay hindi paniniwalaan ng korte; na ang mga paratang sa kanya ay gawa-gawa lamang ng kanyang mga kalaban dahil siya’y nangunguna sa survey sa mga posibleng tatakbo sa pagka-pangulo sa 2016.

Naniniwala ang mga supporters ni Binay na naipaliwanag niyang mabuti ang kanyang sarili sa talumpati “presidential style” tungkol sa mga akusasyon sa kanya.

Pero kinakailangan pa rin niyang paunlakan ang imbitasyon ng Senado na dumalo siya sa hearing ng subcommittee on the blue ribbon upang maipaliwanag din niya dito ang kanyang sarili.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung hindi siya dadalo sa Senado, baka mawalan ng tiwala ang mga supporters niya sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending