Boy bawal nang kumain ng isaw at iba pang streetfood | Bandera

Boy bawal nang kumain ng isaw at iba pang streetfood

Reggee Bonoan - September 23, 2014 - 03:00 AM

boy abunda

KINUMUSTA namin si kuya Boy Abunda sa The Buzz noong Linggo, okay na siya at maski may meeting pa siya para sa Bottomline ay nakipagkuwentuhan muna siya sa amin.

Nakakatuwa ang mga kuwento ni kuya Boy dahil sa tagal niyang naka-confine sa hospital na inabot ng 16 days ay nasaulo na raw niya lahat ang mga pangalan ng mga building sa Bonifacio Global City at kung ilan ito.

“Nakakainip din, isipin mo nasa kuwarto lang ako at sumisilip sa bintana, so anong gagawin ko kundi bilangin ang mga building, isaulo kung saan ang mga puwesto nila.

Hindi naman ako puwedeng maglakad-lakad sa hallway, bawal, wala ring cellphone, wala lahat, kaya hayun, tinititigan ko lang mga building,” natatawang tsika ng King of Talk sa amin.

Nabanggit din niya na maraming gustong dumalaw sa kanya, pero ipinagbawal ng mga doktor kaya pawang mga bulaklak at pagkain ang ipinadadala sa kanya.

“Si Gretchen (Barretto) nga halos araw-araw dumadalaw kasi hinahatiran niya ako ng pagkain, naririnig ko ang bilin niya sa mga kasama ko na ito ang ulam ko ng tanghali, meryenda ko, hapunan ko, pero hindi kami nagkikita, naririnig ko lang ang boses niya kasi nasa loob ako nasa may salas siya.

Kaya sobrang nagpapasalamat ako kay Gretchen for that,” masayang kuwento ng TV host. Tinanong namin kung saan ba talaga nakuha ni kuya Boy ang sakit niya bukod sa pagkain ng streetfood.

“Ang duda nila dahil sa stress, kasi naman kung magtrabaho rin naman ako wala ng bukas that’s why nagbawas talaga ako ng load, sinabihan ko ang Backroom na huwag na nila akong i-involve sa mga kontrata, kasi ako pa rin ang nagbabasa ng mga kontrata ng artists,” pahayag sa amin.

At kaya raw siya tumagal ng 16 days sa hospital ay dahil talagang pina-check up na niya lahat ang dapat, “E, kasi nandoon ka na, at hinang-hina na ako sa kakakuha nila ng dugo ko, e, di i-check na nila mula ulo hanggang paa ko that’s why I have 16 doctors in all, kasi bawa’t isa kanya-kanyang specialization, eh,” kuwento pa.

Natawa kami sa isang doktor ni kuya Boy na pinauuwi na siya pagkatapos makuha ang mga nana sa liver niya, “E, sabi niya since nakita na ‘yung sakit ko at nawala na ‘yung nana, puwede na raw akong umuwi, e, sabi ko marami pang check-up na gagawin sa akin.”

Oo nga, ‘yung ibang doktor kasi ang gusto magtagal pa ang pasyente dahil umaandar ang metro nila. Kinlaro ni kuya Boy na wala siyang iiwanang programa, tuluy-tuloy pa rin daw ang The Buzz, Bottomline at Aquino & Abunda Tonight, “Ang bawas lang, yung mga tinatanggap kong kaliwa’t kanang trabaho like after the show, may guesting ako or inimbitahan akong guest speaker.  Siguro hinay-hinay na lang.

“Like after ng Buzz, uwi na ako at magpahinga.  After ng Aquino & Abunda Tonight, uuwi na rin, dati kasi kung saan-saan pa ako pupunta, ngayon after each show, uwi na maliban kung may meeting ako about the show,” paliwanag ni kuya Boy.

At dito kami napaluha bossing Ervin dahil hindi raw ipinaalam ng mga kasama niya sa bahay na nasa hospital siya ang sinabi lang ay nasa ibang bansa kaya nawala siya ng 16 days.

“Hindi ka makakapagsinungaling sa nanay, ramdam niya, kasi pagdating ko, sabi niya sa akin, ‘kumusta? Magpagaling ka.” So, alam niya na naospital ako.  Wala naman kasing nagsabi, eh.

“Mother’s instinct talaga.  Maganda na ang pakiramdam ng nanay, maayos siya kaya sobrang nagpapasalamat ako sa Diyos kasi okay si nanay at binigyan ulit ako ng dahilan para mabuhay,” sabi pa ng TV host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

As of now ang iniindang sakit ni kuya Boy ay ang likod niya dahil dito raw ipinasok ang napakahabang karayom, “dito idinaan ‘yung karayom para makita sa pinakaloob ng bituka ko, e, sobrang sakit.

Ramdam ko na kapag bumaba na ang adrenalin ko.”  Wala naman daw bawal kainin si kuya Boy, maliban sa mga streetfood tulad ng mga isaw, “oo nga, paborito ko ‘yun kasi iyon ang kinalakihan ko.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending