Paolo OK na ang kundisyon, pero…
NAKALABAS na ng ospital si Paolo Ballesteros matapos siyang magkaroon ng mild stroke kamakailan. Sa kanyang Instagram account nag-post ng mensahe ang TV host-actor, aniya: “Hello dabarkads! im home na at ok na ako. before i post anything else, eto ang update. normal na ang bp ko hehe.
Yung heart, may slight enlargement. 5.1. normal is 4-5. so .1 lng naman daw. liver enzymes elevated ng slight den kc sa alak at sa diet dietan. lahat ok na. di pa kelangan maintenance hehe. after 6 mos.
“Kelangan icheck ulet yung heart kung lumiet na. 1 week lang pahinga kitakits ulit mga dabarkads sa barangay!:) 1 week na pahinga maramerameng makeup transformation to! hehehe. thanks sa mga dabarkads na nagppray at mga well wishers. salamat!” dagdag niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.