Blackwater Elite palaban sa PBA debut | Bandera

Blackwater Elite palaban sa PBA debut

Barry Pascua - September 18, 2014 - 02:23 PM

NAKAHANDA ang Blackwater Elite na magsimula sa ibaba subalit ipinangakong papanhik din sa itaas sa pakikipagsapalaran sa 40th season ng Philippine Basketball Association (PBA) na mag-uumpisa sa Oktubre 19.
Hindi naman masyadong mataas ang ambisyon ng Elite.
Pangunahin dito ang mahigitan ang fellow expansion team Kia Motors na makakatapat kaagad nito sa opening game sa Philippine Arena.
Sa kabuuan, hangad ng Blackwater na matapos ang unang season nito sa pro league nang nakapasok sa top eight sa 12 koponang kalahok.
“Tingin ko naman ay realistic iyon kasi gutom ang mga players ko,” ani head coach Leo Isaac na nagbabalik sa PBA matapos ang apat na taong pagkawala. Huli niyang hinawakan ang Barako Bull.
“This is a team of players who are given a second chance to prove that they belong in the PBA. I’m sure my players will not waste the chance given to them,” dagdag niya.
Nang tanggapin bilang expansion franchise, ang Blackwater at ang Kia ay nagsimulang buuin ang kanilang koponan sa pamamagitan ng expansion draft kung saan namili sila ng mga manlalarong inilaglag ng mother ballclubs. Lumahok din sila kapwa sa 2014 PBA Rookie Draft noong Agosto 23.
Matapos na kilatisin ang mga manlalarong nakuha nila sa expansion at rookie drafts ay binuo na ni isaac ang kanyang koponang kinabibilangan ng 18 manlalaro. Babawasan pa ang bilang na ito sa 15 sa pagsisimula ng season.
Ang Blackwater Elite ay binubuo nina JR Cawaling, Paul Artadi, Eddie Laure, Narciso Llagas, Bambam Gamalinda, Bryan Faundo, Gilbert Bulawan, Bacon Austria, Rogemar Menor, Chris Timberlake, Robby Celiz, Alex Nuyles, Sunday Salvacion, Jason Ballesteros at rookies JP Erram, Juami Tiongson, Frank Golla at Brian Heruela.
“Walang superstars dito pero sigurado ako na lahat sila ay hard workers,” ani Isaac. — Barry Pascua

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending