GAYA nang sinabi natin noong isang linggo, tatalakayin pa rin natin ang isyu ng katabaan at kung paano ito maiiwasan o masosolusyunan.
Narito ang ilan:
Maghintay muna ng limang minuto bago tugunan ang gutom. Ang “physiologic or true hunger” ay mararamdaman mo kung ang katawan mo ay nangangailangan na ng nutrisyon.
Iba ito sa “craving or false hunger”.
Ang false hunger ay nagpapahiwatig na gusto mo lang ang kasarapan sa pagkain at ang naidudulot nito na pansamantalang saya, pero hindi nakukuntento.
Kung lahat ng pag-kagutom ay tutugunan agad ng pagkain, di imposible na tataba ka nga.
Huwag mag-alala dahil marami ang hindi nakakaalam ng pagkakaiba ng dalawang uri ng pagkagutom.
Gamitin mo ang tubig para malaman ito.
Mahigit 70 porsyento ng ating katawan ay tubig. Maliban sa kailangan mo ito, ang paggamit nito ay makakatulong sa pagsupil ng “false hunger”.
Kung ikaw ay nakararamdam ng pagkagutom, uminom lang ng isang basong tubig. Mas maigi ang maligamgam kaysa sa malamig, sa kadahilanan na ang ating katawan ay may natural na init.
Pero kung nakainom ka na ng maligamgam na tubig ngunit nagugutom pa rin, senyales na kailangan mo na ngang kumain.
Huwag magpapalipas sa oras ng pagkain dahil pag ginawa mo ito, dodoblehin mo ang susunod mong pagkain.
Makabubuti rin ang “fasting” o “pag-aayuno”. Hindi lang ito gawaing espiritwal kundi gawain din para sa kalusugan ng katawan. Ang ordinaryong “fasting” ay sa loob ng dose oras, ng walang pinapasok sa bibig maliban sa tubig. Ang susunod na pagkain ay mag-“break” ng “fast”.
Ugaliin din na magkaroon ng regular na pahinga ang digestive system ng 10 hanggang 12 oras.
Pinakamahalagang pagkain ay ang agahan kaya di dapat ito pinalalagpas.
Ito ay magpipigil sa maagang pagkagutom dahil sapat na ang enerhiya na magpapagulong sa makinarya ng katawan sa buong araw.
Ang hapunan ay dapat konti lang.
Pag nasa harap ng pagkain, tanunggin ang sarili: Ang pagkain ba ay para sa nutrisyon o para sa kasarapan?
Mag-ehersisyo. Hindi kailangan mag-gym. Kapag ang isang gawaing pisikal ay ginagawa ng mahigit 10 minuto, ehersisyo na yan.
Isa-isip palagi na bawat galaw ay may katumbas na enerhiyang ginagastos.
Magbuo ng makatotohanan na adhikain ukol sa pagpapababa ng timbang. Hindi maganda sa katawan ang mabilis na pagpayat, kung kaya’t ang mga “fad diets” ay hindi matagumpay.
Hindi kinakailangan ang mahigpit na estratehiya, ang dahilan ng pagkawala ng “COMPLIANCE”.
Abangan sa Biyernes: Mga aprubado at epektibong paraan ng pagpapapayat.
Makinig po kayo sa DZIQ Radyo Inquirer 990am every weeknight 8-9pm for your “RADYO MEDIKO” program. Isinusulong natin ang LivLite Revolution tuwing Martes at Huwebes para mabigyan ng praktikal na solusyon ang mga problema ng “Negative Lifestyle”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.