Walang trabaho rito | Bandera

Walang trabaho rito

Joseph Greenfield - September 15, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Aletha, ng Barangay Mabini, Cabadbaran City
Dear Sir Greenfield,
Umuwi na lang ako sa amin pagkatapos maging tambay ng isang taon sa Cebu City.  College graduate ako pero walang trabaho. Meron din namang trabaho, pero malaswa ito para sa aking relihiyon.  Bagaman nakahihiyang bumalik sa mga magulang ko ay kinapalan ko na lang ang mukha ko.
Malaki kasi ang nagasta nila sa pag-aaral ko at naibenta na nila ang pamanang sakahan.  Hanggang ngayon ay hindi pa ako nakapagbibigay ng pera sa kanila.  Kailan kaya ako magkakapagtrabaho?  Meron akong pinsan na nasa Middle East pero magulo roon  at ayaw kong umuwi ng baldado o bangkay.  Pakisilip naman ang aking kapalaran, lalo na kung magkakaroon ako ng trabaho sa abroad.  May 12, 1994 ang birthday ko.
Umaasa,
Aletha, ng Barangay Mabini, Cabadbaran City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad.  Walang nakalaang maganda at regular na trabaho sa iyo rito kaya nasa ibang bansa ang ikabubuhay mo at ng iyong mga magulang.
Pagsapit ng takdang panahon at kapalaran ay may mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran sa tulong ng iyong pinsan.
Cartomancy:
Five of Clubs, Queen of Hearts at Eight of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang babae, dili’t iba kundi ang iyong pinsan, tiyak ang magaganap, pagkalipas ng walong buwan, may mabiyaya at mabungang paga-abroad na magaganap.
Itutuloy…..

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending