Jake ‘Battered Boyfriend’; Bea umalma | Bandera

Jake ‘Battered Boyfriend’; Bea umalma

Ervin Santiago - September 14, 2014 - 11:15 AM


Todo-tanggi naman si Bea Binene na battered boyfriend si Jake Vargas. May mga chika kasi na kapag nag-aaway sila ay nagkakapisikalan sila.

“Naku, hindi po! Hindi po! Kapag…actually, itanong n’yo sa mga kaibigan kong lalaki, sobrang one of the boys ako. As in sinusuntok ko sila sa tiyan, ganu’n.

Kasi parang, ako…ewan ko, parang it’s a friendly way,” paliwanag ng Kapuso young actress. Anong ugali ng dyowa niya ang ayaw na ayaw niya? “Ang sa akin lang, well, sana hindi siya ma-take as a negative ano, pero masyado kasi siyang mabait.

Alam mo ‘yung parang kahit ‘yung mga tao, tini-take for granted na siya, hindi niya pa alam, kasi masyado siyang mabait. Ganu’n.

“So, hindi naman sa hindi ko gusto, pero I’m asking him to, na kahit papaano, na know his limits also. Na sana alam niya rin ‘yung mga dapat na ibinibigay niya sa ibang tao,” esplika pa ng dalaga.

Ano naman ang ugali ng BF niya na gustung-gusto niya? “Si Jake po, ano siya, e, isa siyang…gentleman siya, mabait, at siya yung tipo ng tao na ipaparamdam niya sa iyo na lagi siyang nandiyan para sa iyo,” sey pa nito.

Paano nila napapanatili ang maayos nilang relasyon? “Siguro ano, nasa pagha-handle lang naman po iyan ng mga bagay-bagay. At ako, I know my limits.

Alam ko po kung hanggang…kung ano at kung alin yung mga dapat na ginagawa ko. At alam ko po kung hanggang saan po ako dapat pupunta.”

Samantala, tiyak na magpipiyesta muli ang fans ng dalawa dahl simula na ngayong Lunes ang Straberry Lane pagkatapos ng 24 Oras. Sey ni Bea, kahit na magkarelasyon sila ni Jake ay challenging pa rin ang ginagawa nila sa serye.

“Kami ni Jake, parang four years na talaga kaming magka-loveteam, so talagang gamay na namin ang isa’t isa. Talagang mas magaan na yung working relationship namin.

Pero siyempre, mas pinagbubuti pa namin para hindi kami mapahiya sa viewers,” chika ng dalaga. Makakasama rin sa Strawberry Lane ang mga Kapuso youngstars na sina Kiko Estrada, Kim Rodriguez, Joyce Ching, Jeric Gonzales, Rita de Guzman at Joanna Marie Tan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nandiyan din sina Sheryl Cruz, TJ Trinidad, Sunshine Dizon, Christian Bautista, Boots Anson Roa at Chanda Romero, sa direksiyon ni Don Michael Perez.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending