Sandro Muhlach tinalakan si Atty. Maggie Garduque: How ironic

Sandro Muhlach tinalakan si Atty. Maggie Garduque: How ironic

Therese Arceo - November 01, 2024 - 07:25 PM

Sandro Muhlach tinalakan si Atty. Maggie Garduque: How ironic

TILA nagpasaring ang Sparkle artist na si Sandro Muhlach laban sa abogadong si Atty. Maggie Garduque.

Sa kanyang latest Instagram story ay ibinahagi nito ang screenshot ng panayam ng naturang abogado mula sa “24 Oras” patungkol sa kasong acts of lasciviousness isinampa ng kanyang kliyenteng si Rita Daniela laban sa aktor na si Archie Alemania.

Kalakip nito ay ang paglalabas ni Sandro ng kanyang saloobin hinggil sa isyu.

“Completely agree with you, @attymaggie, mahirap talaga mag-come forward kaya victims and survivors should never be blamed or made to feel guilty for what happened to them.

Baka Bet Mo: Sandro Muhlach: ‘Wag nating hayaang manalo ang mga bumaboy sa atin!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“But wow, how ironic atty. that now you’re standing with a victim of an assault. Justice will prevail!” saad ni Sandro.

Para sa mga hindi aware, si Atty. Maggie rin ang abogado ng dalawang independent contractors ng GMA Network na sina Jojo Nones at Richard Cruz, ang mga umano’y sekswal na umabuso sa binata.

Sa ngayon ay wala pa namang pahayag ang abogado hinggil sa mga sinabi ni Sandro hinggil sa isyu.

Samantala tuluyan naman nang nagsampa ng kasong rape through sexual assault at two counts of acts of lasciviousness sa Pasay Regional Trial Court (RTC) ng Department of Justice dalawang independent contractors.

Ayon sa DOJ, nakitaan nito ng sapat na ebidensiya ang akusasyon ni Sandro na umano’y inabuso at hinalay siya nina Jojo Nones at Richard Cruz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending