Ronnie natameme sa mga pasabog ni Edu | Bandera

Ronnie natameme sa mga pasabog ni Edu

Ambet Nabus - September 12, 2014 - 03:00 AM

RONNIE RICKETTS AT EDU MANZANO

Nakakaiskandalo din ang inilabas na sagot-pahayag ni Edu Manzano hinggil sa kasong kinakaharap ngayon ni OMB Chairman Ronnie Ricketts.

Dating OMB Chair si Edu at nagulat na lang ang TV host-actor nang bigla siyang mapasali sa kontrobersya ni Ricketts matapos makatanggap ng death threats mula sa mga diumano’y supporters ni Ronnie.

Pinagbibintangan si Edu na siyang nasa likod ng pagsuspinde sa kanya ng Ombudsman na may kinalaman sa isang “maanomalya” raw na operasyon noon ng OMB.

Hindi nagpasindak si Edu sa pagbabanta ng kampo ni Ronnie at nagsabi pa ito na handa siyang harapin ang kanyang mga kalaban.

Dito rin natin napag-alaman na noong March 2013 pa pala nag-expire ang appointment ni Ricketts as OMB at nasa “hold-over capacity” na lang ito ayon pa sa sulat na nilagdaan ni Deputy Executive Secretary for Legal Affairs Michael Aguinaldo under The Legal Affairs Office ng Office of the President.

Hindi pa rin nagbibigay ng anumang pahayag si Ricketts sa isyu na nahaharap nga sa kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, kasama na ang ilan pang opisyal ng OMB.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending