Marian, Dingdong mahigit 20 ang Ninong at Ninang sa kasal, pero dadagdagan pa | Bandera

Marian, Dingdong mahigit 20 ang Ninong at Ninang sa kasal, pero dadagdagan pa

Ervin Santiago - September 11, 2014 - 03:00 AM


IN-ANNOUNCE na nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang unang batch ng magiging ninong at ninang sa kanilang kasal na gaganapin sa Dec. 30 sa Immaculate Conception Cathedral, sa Cubao, Quezon City.

In fairness, personal pang binisita ng GMA Primetime King and Queen ang dalawa sa mga ito – ang top GMA 7 executives na sina Atty. Felipe Gozon at Mr. Jimmy Duavit, para ipaalam sa mga ito na magiging bahagi nga sila ng entourage bilang ninong.

Bukod dito, nagpatawag pa sina Dong at Yan ng isang intimate lunch sa isang sosyal na resto para sa iba pang tatayong ninong at ninang sa kanilang wedding, kabilang na sina Tony Tuviera, Eduardo Gonzalez, Joel Anthony Rustia, Mac Alejandre, Ogie Alcasid, German Moreno, Mark Reyes, Randy Ortiz, Perry Lansigan at Jose Franciso Gonzalez.

Ang mga tatayo namang mga ninang ay sina Floresfida Gonzalez, Wilma Galvante, Regine Velasquez-Alcasid, Lilybeth Rasonable, Maria Joycelyn Rustia, Margarita Gonzalez, Celia Rodriguez, Joyce Bernal, Maria Luisa Henson at Lolit Solis.

Abot-langit ang pasasalamat nina Dingdong at Marian dahil hindi nagdalawang-isip ang mga ito na pumayag maging sponsors sa kanilang kasal. Pinag-usapan din nila roon ang magiging motif. Sey ni Dingdong, partial list pa lang ito at sa mga susunod na araw ay ihahayag din nila ang iba pang makakasama sa entourage.

Ayon naman kay Marian, lahat ng principal sponsors nila ni Dingdong ay mga taong naging bahagi ng kanilang buhay at career. Kahapon, nag-post pa si Marian sa kanyang Instagram account ng litrato na kuha sa ginanap na luncheon meeting.

Nilagyan niya ito ng caption na: “Hindi namin maitago ang aming kasiyahan noong nakaraang linggo. Salamat sa aming mga Ninong at Ninang na syang gagabay sa aming pagsasama!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending