Billy umamin sa mga kasalanan, dapat daw parusahan ng ABS-CBN | Bandera

Billy umamin sa mga kasalanan, dapat daw parusahan ng ABS-CBN

Ambet Nabus - September 09, 2014 - 03:00 AM


IYAN na nga ba ang sinasabi namin. Dahil sa pagkakakulong ni Billy Crawford noong Linggo ng umaga hanggang kahapon (hindi agad nakapagpiyansa dahil walang pasok), at matapos na marinig ng lahat ang paliwanag niya sa nangyari, hayun at nagsanga-sanga na ang iskandalo, lalo na sa social media.

Ayon sa ilang komento mula sa netizens, baka raw may kakaibang “tinira” ang aktor-TV host matapos um-attend sa Star Magic Ball noong Sabado ng gabi kaya isinuko nito ang sarili sa presinto at para magpakulong.

Inisip kasi ni Billy na baka raw makagawa lang siya ng mas malalang gulo. “Sino ba namang matinong tao, kahit pa nakainom o lasing na lasing ang pupunta sa presinto at magpapakulong ng sarili? Sobrang kakaibang trip naman yata yun?” ang tanong ng isang nag-react sa kinasasangkutan kaso ng aktor.

May mga sumasang-ayon naman na nasobrahan lang ito sa alak, at baka raw meron lang itong pinagdadaanan sa kanyang personal na buhay, partikular sa relasyon nila ni Coleen Garcia.

Kung ang mga Star Magic Ball photos and videos kasi ang pagbabasehan, parang wala namang pangit na naganap sa event para uminom nang todo ang aktor at mauwi nga sa bangungot ang masayang party.

But still, may mga nagsasabing hindi nga lahat ay na-ka-capture ng gadget o teknolohiya. Inamin ni Billy na kasalanan niya ang lahat at nag-sorry na siya sa mga taong nasaktan niya, pero feeling niya ay wala siyang nakikitang masama sa ginawa niya.

Dito lang medyo nagkamali si Billy, dahil marami ang nagsasabi na paanong walang masama sa ginawa niya, e, kitang-kita naman na dahil sa kalasingan ay nasuong siya sa ganitong uri ng kontrobersiya.

Samantala, dinenay naman ng aktor na naka-drugs siya tulad ng paniniwala ng iba. And yes, malinaw din sa naging official statement ng kanyang manager na si Arnold Vegafria na walang nasaktan, pulis man o sibilyan sa nangyari.

Pero nanindigan ang PNP na itutuloy nila ang mga kaso laban kay Billy tulad ng malicious mischief, direct assault and resisting arrest and disobedience of agent to a person of authority.

Ano naman kaya ang magiging hakbang ng ABS-CBN sa isyung ito? Parusahan din kaya nila ang host ng It’s Showtime? Base kasi sa mga nababasa naming comments sa social media, kailangan daw turuan ng leksiyon ang TV host, pero siyempre, depende pa rin ‘yan sa management.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending