KINASUHAN ng mga pulis ang television host at singer na si Billy Joe Crawford dahil sa pagwawala sa presinto sa Taguig, kahapon ng umaga.
Ayon sa ulat, nagtungo si Crawford sa Police Station 7 ng Taguig alas-4 ng umaga upang humingi ng tulong. Pero bago umano siya maeskortan ng mga pulis patungo sa Taguig City Police Headquarters, bigla umanong nagwala si Crawford at sinipa ang pintuang salamin ng presinto.
Tinangka siyang pakalmahin ng dalawang babaeng pulis pero nagpatuloy ito sa pagwawala. Humingi ng responde ang mga parak at dinala si Crawford sa Taguig City Police Headquarters upang imbestigahan.
Kinasuhan ang suspek ng malicious mischief, resisting arrest, direct assault at disobedience of agent of authority. Agad namang kinumpirma ni Arnold Vegafria, manager ni Crawford, na nakakulong nga ang alaga niyang host ng “It’s Showtime”.
Bago magwala, si Crawford ay galing sa Star Magic Ball sa Makati Shangri-La Hotel.
HALOS manikluhod ang television host at singer Billy Joe Crawford sa paghingi ng tawad sa ginawa niyang pagwawaka at pagwawasak ng gamit sa presinto sa Taguig City at insmin niyang langung-lango siya sa alak
Sa interbyu sa radyo, giniit bsman ni Crawford na wala siyang nasaktan sa ginawa niya. “It was my fault but I did not hurt anyone. I did not push anyone. I only hit the glass [door],” ani Crawford
Niliwanag ng host ng “It’s Showtime” na sumuko siya sa nga pulis dahil hindi na niya makontrol ang kanyang pagkalango sa alak. “To be honest with you, I don’t see anything wrong with what I did. It was actually my fault for being aggressive.
Good thing it didn’t happen in a bar, it didn’t happen anywhere else. It happened in a precinct. It’s because I knew for a fact that I need to be controlled or maybe in a controlled environment.
So as I said, I really apologize to the officers if I said anything derogatory or anything else,” dagdag niya. Nang tanungun kung bakit siya nagwala, hirit niya: “It’s an aggression .
I’m just really exhausted , stressed out in certain situations. You know we try the best we are. We’re not perfect. Ibig sabihin ng “ayaw kong makasakit” is I’m getting all the aggression and my anger is out,” paliwanag pa ni Crawford.
Idinagdag niya na kasana niya ang gilfriend niyang si Coleen Garcia bago siya “sumuko” sa pulisya. Humingi rin siya ng paumanhin sa kanyang mga fans.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.