Dating mortal na kalaban ni Regine sa singing contest may tumor sa Kidney | Bandera

Dating mortal na kalaban ni Regine sa singing contest may tumor sa Kidney

Ervin Santiago - September 06, 2014 - 03:00 AM


NAPANOOD namin ang isang video sa Facebook kung saan makikita ang dating singer na mas kilala sa tawag na “ang babaeng nakatalo kay Regine Velasquez”.

Siya si Eva Castillo na naging kalaban noon sa amateur singing contest ng Asia’s Songbird at isa nga sa mga nakatalo sa kanya.
Bigla na lang nawala sa eksena si Eva matapos mabigyan uli ng ikalawang pagkakataon sa larangan ng pagkanta.

Matapos nga siyang hanapin ng Songbird para mag-guest sa isa niyang concert noon, kinuha agad siya ng GMA para maging regular sa kanilang Sunday musical show.

Hanggang sa dumating ang araw na hindi na siya napapanood sa nasabing programa kaya marami ang nagtatanong kung nasaan na siya ngayon. At sa video ngang kumalat sa FB. nalaman namin na may kidney tumor ang singer.

Nang malaman daw ni Regine ang tungkol dito, pinakontak niya agad ang pamilya ni Eva para magpahatid ng tulong. Nabatid na matagal nang may sakit sa bato o kidney si Eva, na lumala na nga nang lumala hanggang sa magkaroon na ng tumor.

Napilitang tumigil sa pagkanta at pagtatrabaho si Eva para magpagamot. Nalaman din namin na ngayong hapon, sa Wish Ko Lang, ang kuwento ng buhay ni Eva Castillo ang tututukan ni Vicky Morales.

Sasagutin ng programa ang ilang katanungan tungkol sa biglang pagkawala ni Eva. Pinatikim nga lang ba siya noon ng konting tamis ng tagumpay?

May isa pang hiling si Eva na bibigyang-katuparan ni Regine sa Wish Ko Lang ng GMA 7.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending