ABS-CBN naka-jackpot uli sa Nash-Alexa loveteam
WALANG duda, naka-jackpot na naman ang ABS-CBN sa loveteam ng mga Kapamilya young stars na sina Nash Aguas at Alexa Ilacad. In fairness, kahit anong proyekto ang gawin ng dalawang bagets ay tinututukan ng mga manonood, ibig sabihin talagang napakarami nang followers ng dalawa na napapanood nga ngayon sa bagong season ng Wansapanataym na napapanood tuwing Sabado at Linggo ng gabi.
Patunay diyan ang latest survey ng Kantar Media, kung saan nanguna sa listahan ng weekend TV programs ang unang dalawang episode ng Wansapanataym Presents Perfecto taglay ang national TV rating na 26.4% noong Sabado (Agosto 30) at 27.6% noong Linggo (Agosto 31).
Ito ay 10 puntos na kalamangan kumpara sa mga katapat nitong programa sa GMA na Marian (15.9%) at Ismol Family (18%) ni Ryan Agoncillo.
Bukod sa TV ratings, wagi rin ang Wansapanataym special nina Nash, Alexa kasama ang sumisikat na ring grupo sa ASAP na Gimme 5 sa social networking sites tulad ng Twitter, kung saan naging worldwide trending topic ang “Wansa Perfecto” noong Sabado at “Alexa Ilacad Wansa Perfecto” naman noong Linggo.
At sa pagpapatuloy ng kuwento ng Wansapanataym Presents Perfecto ngayong weekend (Setyembre 6 at 7), unti-unti nang magbabago ang buhay ni Perry (Nash) dahil matutupad na ang kanyang mga kahilingan sa tulong ng isang mahiwagang nilalang.
Magiging perpekto na ba ang buhay ni Perry sa oras na makuha niya ang lahat ng kanyang ninanais? Kasama rin dito sina Matet de Leon, Vandolph Quizon, Candy Pangilinan, at ang mga miyembro ng Gimme 5 na sina John Bermundo, Joaquin Reyes, Brace Arquiza at Grae Fernandez. Ito ay sa panulat ni Joel Mercado, sa direksyon ni Onat Diaz.
Sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang original storybook ng batang Pinoy na Wansapanataym ay ang longest-running at most-awarded fantasy-drama anthology ng ABS-CBN.
Huwag itong palampasin ngayong Sabado, 7:15 p.m. pagkatapos ng Home Sweetie Home, at Linggo, 7 p.m. after Goin’ Bulilit sa ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.