Katawang pinagsawaan | Bandera

Katawang pinagsawaan

Joseph Greenfield - September 05, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay S.S. ng Barangay Bago Aplaya,  Talomo, Davao City
Dear Sir Greenfield,
Nalalapit na naman ang Pasko at hanggang ngayon ay wala pa rin aking boyfriend na makakausap, mayayakap, at makakatabi. Pero sa tingin ko ay simula ngayon hanggang Disyembre ay hindi na ako magkaka-boyfriend.  Meron naman akong naging karanasan sa pagkakaroon ng boyfriend, kaya’t di masasabi na tigang ako.  Ang una kong boyfriend ay magaling.  Super talaga ang galing ng una kong boyfriend.  Napakagaling magsinungaling.  Pero, huli na nang mahalata ko na puro kasinungalingan na ang kanyang sinasabi.  Noong una ay hindi ko ito nahalata kaya sa ganda ng kanyang mga kuwento ay naniwala ako at mas lalo pang napamahal sa kanya.  Nang malinaw ang kanyang pagsisinungaling ay sinundan ko siya.  May asawa na pala ang lintik at may mga anak pa.  Nang muli kaming magkita ay hindi ko na pinatapos ang kanyang kuwento.  Namutla siya at natapos ang aming relasyon.  Pinagsawaan na niya ang katawan ko.  Naging pihikan na ako sa mga manliligaw.  Meron bang nakalaang tapat at mabait na lalaki sa buhay ko?
Umaasa,
S.S. ng Barangay Bago Aplaya, Talomo, Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Huwag kang mag-alala at may malinaw na Marriage Line (Illustration 1 arrow 1.) sa iyong palad.   Hindi ka tatandang dalaga at baka bago matapos ang Pasko ay dumating na ang pinakahihintay mo.
Cartomancy:
Ace of Hearts, Two of Hearts at Jack of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ay nagsasabing pagpasok ng ikatlonng linggo sa Disyembre, isang lalaking nagtataglay ng initial na A.B. ang magiging boyfriend mo.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending