Bakit maraming gagong pulis? | Bandera

Bakit maraming gagong pulis?

Ramon Tulfo - September 02, 2014 - 01:15 PM

PAANO magtitiwala ang taumbayan sa pulisya samantalang maraming pulis ay kriminal sa halip na protektor ng mamamayan?

Si PO2 Edgar Angel, isang pulis-Pasay, ang suspek sa pagpatay sa professional car racer na si Enzo Pastor.

Si Angel, na isa umanong gun-for-hire, ay involved din daw sa droga.

Ito namang si Supt. Angel Germinal ng Makati police station, ang suspek sa pagpatay kay Christian D. Serrano, isang 13 anyos na magbabasura, dalawang taon na ang nakararaan.

Pinatay ni Germinal ang bata sa hindi malamang dahilan.

Halos araw-araw, nakakatanggap ang “Isumbong mo kay Tulfo” mula sa mga ordinaryong mamamayan ng sumbong laban sa mga abusadong pulis.

Isa sa sumbong na natanggap namin ay yung pagpatay ng koronel ng pulisya na si Germinal sa batang basurero.

Marami pang ibang mga sumbong ang nakararating sa amin tungkol sa mga abusadong pulis.

Kapag ipinapasa namin ang mga reklamo sa mga concerned agencies gaya ng National Police Commission (Napolcom), alam namin na matatagalan bago ma-
bigyang lunas ang reklamo.

Bukod sa Napolcom, punong-puno kasi ng reklamo ang mga ahensiya o opisina na humahawak ng mga reklamo laban sa mga pulis gaya ng Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police (PNP), ang People’s Law Enforcement Board (PLEB), at iba’t ibang mga regional police offices.

Dahil sa dami ng kasong hinahawakan ng mga ahensiya o opisinang ito, hindi sila magkandatuto sa pagkilos.

Tingnan mo na lang yung kasong isinampa ng “Isumbong” laban doon sa pulis-Pasig na bumaril ng binata sa loob ng bar: 13 taon bago natapos ang kasong administratibo at saka lang napatalsik ang pulis na sangkot!

Actually, tinulungan lang namin ang mga magulang ng biktima na sampahan ang pulis ng mga kasong kriminal at administratibo.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ang kaso sa korte, but that’s another story.

Noong Huwebes, inilapit na namin sa tanggapan ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang mga kasong di pa na-reresolba ng Napolcom.

Si Roxas, bilang DILG secretary, ay chairman din ng Napolcom.

Nangako ang tanggapan ni Roxas na pabibi-lisin ang mga pagdinig ng mga kasong administratibo na aming inalagak sa Napolcom.

Natutuwa kami at kahi’t paano ay inaasikaso ng ng Napolcom ang mga kasong administra-tibo laban sa mga pulis.

Sana’y bilisan din ng ibang opisina na humahawak ng mga kaso laban sa mga pulis ang pagdinig ng administrative cases.

Noong panahon ni Pangulong Marcos, mabilis ang aksiyon sa mga kasong isinasampa ng sibilyan laban sa mga pulis at maging sa mga sundalo.

Bakit? Dahil ang pulisya noon, ang Integrated National Police (INP), ay nasa ilalim ng Philippine Constabulary (PC), na isang military organization.

Ang PC-INP ay Philippine National Police na ngayon.

Kapag inireklamo ang isang pulis ng sibilyan, depending on the gravity of the offense, ay dinidisarmahan o kinukulong ang pulis na inirereklamo.

Ang pagtitiwalag ng ordinaryong pulis sa serbisyo ay nasa discretion ng kanyang superior officer. Kapag lantaran ang pang-aabuso at malaki ang kasalanan, tinitiwalag kaagad ang pulis na nirereklamo.

Hindi na nangyayari yan ngayon.

Sibilyan, at hindi na military, ang pulis kaya’t subject na raw ito sa Civil Service rules.

Kapag may reklamo laban sa isang pulis kahit na lantaran, garapal at malaking kasalanan ang kanyang ginawa, kaila-ngan pang mapasailalim siya ng masusing imbestigasyon.

Ang masusing imbestigasyon ang nagpapatagal ng kaso: Taon ang binibilang sa
pagresolba sa isang administrative case.

Kaya’t ang mga abusadong pulis ay tumatagal sa serbisyo dahil kadalasan ay umaatras na ang mga complainants sa tagal ng paghihintay sa pagtatapos ng kaso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ay, Pilipinas!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending