Vice biglang nag-walkout sa SHOWTIME | Bandera

Vice biglang nag-walkout sa SHOWTIME

- February 29, 2012 - 03:54 PM

Sey ng mga guro, maangas at reklamador daw?
KUNG umabot sana sa programa namin noong Sabado ng gabi sa DZMM Teleradyo ang mga teachers na nakasalubong namin sa lobby ng ABS-CBN e, baka naging mas mainit pa ang talakayan namin sa show.

Tungkol nga yun sa kanilang disgust and disappointment kay Vice Ganda na nag-walkout pala noong Friday taping nila for It’s Showtime.

Nabuking tuloy namin na taping sila (na umere noong Lunes, Feb. 27) at tunay na nawala yung The Singing V portion na si Vice nga ang nag-host.

Ayon sa mahaba at madamdaming tsika sa amin ng mga nakahuntahan naming mga guro (na may dinayo pang ibang show noong Sabado ng gabi), super disappointed sila kay Vice dahil totoo raw palang maangas ito.

Habang nagti-taping ay panay ang sigaw at reklamo nito lalo na kapag may hindi ito type sa mga nangyayari sa studio.

Pero in fairness naman daw kapag take na e, bigla na lang mawawala ang inis mo sa kanya dahil sa galing nitong magpatawa.

Nagulat na lang daw sila kung bakit out of the blue ay bigla itong hindi nagsalita sa hinuhusgahang grupo ng  dancers at score lang ang ibinigay then yun nga, bigla na lang nawala at hindi na bumalik.

“Hindi man namin naiintindihan ang nangyayari, hindi naman kami mga bobo para hindi isiping may something na nagaganap.

Tsaka pinaliwanagan kami na mag-enjoy na lang at ikeri ang show dahil taping nga,” say ng kausap namin.

Ano kayang paliwanag ang gagawin ni Vice about this? Siguro naman may magandang paliwanag si Vice tungkol dito.

O baka naman dedma na naman siya  sa isyung ito? Kayo na ang humusga!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending