Sulat mula kay D.D., ng Liloy, Zamboanga del Norte
Dear Sir Greenfield,
Ang akala namin ay tumutulong ang gobyerno sa magsasaka. Hindi pala. Nagkabaun-baun sa utang ang asawa ko, hanggang sa umaasa na lamang siya kapag may ipagagawa ang mga may-ari ng bukid sa kanya. Ang tanging nagbubuklod sa amin ng asawa ko ay ang kabaitan niya kahit na siya’y mahirap na magsasaka lamang. Nag-asawa ako sa pag-aakalang giginhawa ang buhay ko. Pero, dusa pala ang pinasok ko. Noong ako’y nasa magulang ko pa, naglulugaw lang kami kapag merong may sakit sa amin. Ngayon, tatlo hanggang apat na beses kaming maglugaw para magkasya ang konting bigas na kinita ng asawa ko. Giginhawa pa ba ang buhay ko? Kailan?
Umaasa,
D.D., ng Liloy, Zamboanga del Norte
Solusyon/Analysis:
Cartomancy:
Huwag mong iasa sa mister mo ang inaasam na ginhawa sa buhay. Ayon sa Ace of Hearts, Queen of Diamonds at Nine of Diamonds (Illustration 1.), hindi ka maiaahon sa kahirapan ng mister mo. Kailangang gumalaw ka ang umpisahan ang pagsisikap.
Palmistry:
Malabong makahukay ng ginto ang asawa mo sa bukid, ‘ika nga ng matatanda. At hindi ka naman nagtatrabaho para makatulong sa asawa mo. May malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ang pagbiyahe ay pinto para hanapin ang magandang oportunidad sa labas ng bayan mo. May suwerteng naghihintay sa ito sa abroad. Naroon ang liwanag ng ginhawa sa buhay.
Itutuloy….
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.