Kris Bernal handa nang mag-asawa at magkaanak | Bandera

Kris Bernal handa nang mag-asawa at magkaanak

Ervin Santiago - September 01, 2014 - 03:00 AM

AMINADO ang GMA Artist Center star na si Kris Bernal na madalas siyang ilarawan bilang isang girl-next-door dahil sa kanyang pagganap sa sweet at may pagka-teenybopper na roles.

Ngayon, handa na si Kris na talikuran ang ganitong image para sa mas mature na mga proyektong ibibigay sa kanya
Unang nakilala si Kris nang sumali siya sa StarStruck at nagtuloy-tuloy na ang kanyang pagsabak sa showbiz nang hirangin siya bilang Ultimate Female Survivor ng naturang reality artista search.

Lumabas si Kris sa mga programang Boys Nxt Door, Zaido, Dyesebel at Luna Mystika bago makuha ang lead role sa hit afternoon soap na Dapat Ka Bang Mahalin, remake ng pelikula nina Sharon Cuneta at Gabby Concepion noong 1984.

Sunod-sunod pa ang mga proyektong ibinigay ng Kapuso Network kay Kris, nandiyan ang Korean-Filipino series na Koreana, ang danceserye na Time of My Life, at ang Pinoy version ng Korean series na Coffee Prince kung saan gumanap siyang lalaki.

Ngayong Setyembre, muli siyang magbabalik sa primetime television sa pamamagitan ng programang Hiram na Alaala. Kakaiba at mas mature na Kris ang dapat daw asahan sa pinakabagong drama series ng Kapuso Network.

“Hiram na Alaala is about the power of shared memories.  ‘Di ba, ‘pag malayo tayo sa mga loved ones natin, it’s the memories that we hold onto. Doon natin nararamdaman ang pagmamahal,” pagbabahagi ni Kris.

Makakasama ni Kris dito sina Dennis Trillo at Rocco Nacino, at handa na siya sa bagong challenge sa kanyang career, “Dito sa show na ‘to, magiging wife ako, magkakaroon ako ng pamilya.

I’ve waited for years. Kumbaga ito ‘yung growth na hinihintay ko. Maipapakita ko rito ‘yung ibang atake sa pag-arte.”

( Photo credit to entertainment inquirer.net )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending