Sharon nilayasan ang TV5; babalik sa ABS o lilipat sa GMA? | Bandera

Sharon nilayasan ang TV5; babalik sa ABS o lilipat sa GMA?

Ervin Santiago - August 31, 2014 - 03:00 AM


“SHARON Cuneta is no longer with TV5.” Ito ang mensaheng bumandera sa Facebook at Twitter accounts ng Megastar na talagang  ikinagulat ng kanyang followers.

Walang ibinigay na mga detalye si Mega tungkol sa pag-alis niya sa Kapatid network. Pero may kasunod pang post ang pasabog ni Sharon, mensahe niya sa kanyang followers, “I am going to drop clues every now and then as to the things I will be working on which will start sooner than you think!

“So keep watching out for those clues. Good night everyone! Sweet dreams and May God bless you always! In the meantime, I leave you with this BIG announcement,” pambibitin pa ng TV host-actress.

Kung matatandaan pumirma ng five-year contract si Sharon sa TV5 noong  November 22, 2011, ito’y matapos nga niyang layasan ang ABS-CBN.

Kung susumahin, hindi natapos ng Megastar ang limang taong kontrata niya dahil halos tatlong taon lang siyang naging Kapatid talent, at sa panahong ito, tatlo lang ang naging programa niya sa TV5—ang talk show na Sharon:

Kasama Mo, Kapatid, ang teleseryeng Madam Chairman, at ang weekly musical program na The Mega and the Songwriter, kung saan nakasama niya si Ogie Alcasid.

Ibig bang sabihin nito binayaran ni Sharon ang kontrata niya sa network para makalaya na siya?  Samantala, nagpalabas na rin ng official statement ang TV5 tungkol sa pag-alis ni Sharon sa network: “TV5 wishes to extend its gratitude to Ms. Sharon Cuneta for being part of the Kapatid Network for almost three years.

The network wishes her well in all her future endeavors.”  Pero ang tanong, saang network lilipat si Sharon – babalik ba siya sa ABS-CBN o manggugulat siya sa GMA 7?

( Photo credit to sharon cuneta official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending