Sumpa ng fans ni Marian: Heart, hinding-hindi ka magiging first lady!
Talagang it comes naturally para sa fans nina Heart Evangelista and Marina Rivera na magbangayan sa social media.
Ang latest, nag-away ang fans ng dalawa sa isang popular website nang ma-publish ang guesting nina Heart at Sen. Chiz Escudero sa show ni Jessica Soho.
Parang gaya-gaya raw ang peg ng dalawa dahil katatapos lang ng interview nina Marian at Dingdong Dantes sa show ni Jessica.
Hindi ba nila alam na siyempre iko-cover rin ni Jessica ang engagement nina Heart at Sen. Chiz since the former is a GMA talent.
Ganoon lang naman ‘yon, walang panggagayang nangyari, ‘no. Ke kikitid talaga ang utak nitong mga fans ni Marian.
Ang higit pang nakakaloka, pati ang floral dress na suot ni Heart ay ikinumpara kay Marian, as if siya lang ang puwedeng magsuot noon.
“Florals na rin suot ni heart?” one fan of Marian said. “Oh lordy, she’s wearing floral prints na din? Hahahaha talagang plinano ito ni heart para mapag usapan sya. Galing ng tactics ni heart, so evil!!!”
This was followed by another message which said, “Haahaha natawa na lang ako dito kay Heart, she’s following Marians footstep. Kaloka! Sa totoo Heart di pa sure na manalo yan fiancé mo for president, ang dami mong ambisyon girl, go back to school bata ka pa.”
Sinagot ito ng isan fan ng, “Bakit patented na ba ang floral kay marian at sya lang may right to wear that print?”
“Teh kahet si kim chui naka floral,” sabi pa ng supporter ni Heart.
Meron isang basher si Heart na talagang nilait-lait ang dalaga at sinabing gaya-gaya ito kay Marian. Tinanong pa niya ang dalaga kung mag-a-ice bucket din sila nang sabay ni Sen. Chiz at kung meron ding MTV na kasama ang Rivermaya.
Pinatutsadahan pa nitong never maa-achieve ni Heart ang naabot ni Marian. Tinawag pang panot si Sen. Chiz. ‘Wag na raw umasa si Heart na magiging First Lady. Sweetly, isang “god bless” lang ang naging sagot ni Heart.
‘Yan ang may pinag-aralan!!!
( bandera.ph file photo )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.