Ben Tulfo sandamakmak ang death threats | Bandera

Ben Tulfo sandamakmak ang death threats

- February 28, 2012 - 03:30 PM

HABANG hinahanap ko ang network kung saan ipinalalabas nang live ang Academy Awards (Oscars) yesterday morning ay nadaanan ko ang programang Bitag (Extreme) hosted by friend Ben Tulfo kung saan ay featured story nito ang isang building sa Maynila.

Ayon sa ulat ng Bitag, may triple treat daw ang nasabing building for students – a billiard hall, inuman at motel na malapit pa sa kanilang campus.

After coordinating with Manila’s permit division and police force, ni-raid nila ang building at huling-huli nga ang sandamakmak na estudyante na nag-iinuman doon – boys and girls alike!

Nakakapangambang panoorin dahil students in uniform ang kanilang customers, instead na pumasok sa eskuwela ay hayun sila’t nagbubulakbol at kung anu-anong bisyo ang pinaggagawa.

Very young students, high school and college from different universities sa Manila.

Galit na galit ang host na si Ben Tulfo (na dapat lang naman!) lalung-lalo na sa Barangay Chairman na si Eduardo Gevero, Sr. na nagsisilbi rin palang “caretaker” ng may-ari ng nasabing pasilidad.

He is serving two masters – ang pamahalaan as barangay chairman at ang may-ari ng building who owns the 3-in-1 illegal treat para sa mga estudyante.

Sinabon talaga ni Ben Tulfo ang barangay official, mapahiya na ang dapat mapahiya, di ba?

Masakit man para sa chairman ang dinanas na pananabon live on TV pero dapat lang dahil ang buhay na ng mga kabataan ang nakasalalay.

In fairness to Ben Tulfo, naging mahinahon siya sa mga kabataan – hindi ipinakita ang mukha ng mga bagets sa TV (in their uniforms pa ha!) dahil mga menor de edad ang mga ito, siyempre para maprotektahan pa rin sila sa kahihiyan.

Anyway, ipinasara nila last week ang nasabing establishment pero lalong nagalit si Ben Tulfo nang malaman niyang binuksan na muli ito, nabigyan daw uli kasi ng permit ang nasabing building to operate again.

Tinawagan ni Ben Tulfo si Mr. Nelson Alivio at talagang diretsahan niyang pinagsabihan ang nasabing opisyal – and after nilang mag-usap sa telepono, talagang sinabon siya ni Ben Tulfo live on TV.

Matapang talaga ang Tulfo na ito, kahanga-hanga siya. Bihira na akong makatunghay ng ganito katapang na TV host.

Bilib ako sa kanya and I fear for his life, ha.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala pala siyang kinatatakutan talaga, kaya hindi na rin ako magtataka kung left and right ang death threats na kanyang natatanggap. Hats off ako sa katapangan mo, Ben Tulfo. Bravo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending