‘Personal akong humingi ng tawad kay Claudine Barretto!’
THE “Pare, Mahal Mo Raw Ako (The Concert)” ni Michael Pangilinan sa Teatrino last Thursday was a blast – marami ang umuwing may mga ngiti sa labi. They said they truly enjoyed the concert dahil talagang napakalaki na ng improvement ni Michael as a concert performer.
Naging guests ni Michael sa show sina Sam Milby, Rochelle Pangilinan, Prima Diva Billy, Herbert C. (via video lang dahil nakapiit ito sa Muntinlupa) at ang dalawang sing-along masters na sina Angel Mistress Sangalang and Betty La Fea.
“Parang kailan lang nu’ng sinusundan-sundan ko pa ang show ng anak natin. Nalingat lang ako ng ilang buwan dahil naging sobrang busy ako sa maliit nating kabuhayan, nakakaloka, ganoon na pala siya kagaling!
Ang layo na pala ng narating ng baby natin. Oh my gosh!” proudly shared Tita Emmie Valdez, isa sa mga nanay-nanayan ni Michael sa showbiz. She has been sponsoring many of Michael’s shows at hindi siya bumitiw.
“I will always support our alaga. The more that he needs it now. Kakausapin ko ang mga mayayaman nating barkada para bilhin lahat ng text votes nila sa Himig Handog. Ha-hahaha! Ha! Ha!” biro ni Tita Emmie.
“May nagsabi sa akin nu’ng una – isang dati kong kaibigan, na di naman daw magaling ang alaga mong si Michael. Kaya napilitan akong pumunta para patunayan sa sarili ko kung totoo ang sinasabi ng taong iyon.
Hindi naman pala totoo ang sinabi niya – sinisiraan lang pala niya ang bata. Napakagaling pala niyang kumanta at napakaguwapo pa. Malayo ang mararating ni Michael tiyak,” ani Mama Lily Chua na nagpaabot ng gitf kay Michael right after his performance.
Isa sa nakakatuwa ay ang maagang pagdating ng mahal nating anak-anakang si Claudine Barretto kasama ang ilang barkada, relatives and legal counsel nitong si Atty. Ferdie Topacio. Napakaganda ni Clau-clau that night.
“Maaga akong dumating dahil gustung-gusto ko si Michael lalo na sa rendition niya ng ‘All Of Me’ na super-favorite ko. Nakakatuwa nga dahil hindi ako pinapayagan ng anak kong si Santino na lumabas ng bahay without them.
Kaya lang, hindi ko naman siya puwedeng isama dahil may school siya the next day. Para payagan niya ako, I told him na si Kuya Michael niya ang may show. Sinabi ko na siya (Michael Pangilinan) yung pumunta sa birthday niya sa Blue Leaf at kumanta.
Nang maalala niya, sinabihan niya ako agad ng, ‘Sige mommy. go. Watch na Kuya Michael’s show.’ Ang sweet ng anak ko, di ba?” ani Claudine na magiliw pang nagpa-picture sa fans as early as 8 p.m..
Nalungkot lang ako dahil during the show ay nakita kong galit na galit na pumunta sa backstage ang mahal kong friend na si Atty. Topacio at kinumpronta si Betty La Fea dahil binastos diumano nila ni Angel si Claudine during the show.
Hindi ko kasi napanood ang portion na iyon dahil sobrang busy ako backstage sa kaaasikaso sa ibang guest performers. Iyon pala, kasama sa act ng dalawang stand-up comedians ang pag-alipusta kay Claudine.
It offended Claudine of course na nakaupo sa second row near the stage. Yung sobrang saya ni Claudine sa panonood ay biglang napalitan ng sama ng loob kaya she walked out and stayed sa lobby ng Teatrino para magpalipas ng galit.
Natural, nainsulto si Claudine. Pinipilit ni Betty na hindi nila alam ni Angel na nandoon si Claudine. Kasi nga, yung number nilang i-yon ay hindi naman niri-rehearse.
Nakakahon na ang 25-minute act nila – pagpapatawa, kantahan, etcetera. Hindi ko alam kung ano ang laman ng skit nila. Iyon pala, meron silang Claudine item (the Barrettos) that slighted our dear friend Claudine. Nakiusap si Betty kay Atty. Topacio na samahan siya kay Claudine para makapanghingi siya ng dispensa.
“Please po, Atty. Ferdie, puwede niyo po ba akong samahan kay Claudine sa labas para makapanghingi ako ng dispensa sa kaniya. Kahit anong gawin niya sa akin, kahit sampalin niya ako ay tatanggapin ko, mapatawad lang niya ako,” pakiusap ni Betty.
“Hindi naman ‘yun gagawin ni Claudine sa iyo. Halika. Puntahan natin,” ani Atty. Topacio kay Betty na sobrang na-tense. And after a while ay bumalik si Betty at sinabi nitong napatawad na raw siya ni Claudine.
Kaya I advised Betty and Angel na to be very careful next time. Na huwag mang-alipusta ng kapwa artist kahit wala sila sa venue. Marami namang puwedeng paglaruan at maraming style of pagpapatawa pero huwag naman tulad ng ginawa nila kay Claudine. Offensive talaga iyon.
Kaya ako, bilang producer ng show na iyon, personal akong nanghihingi ng dispensa kina kaibigang Claudine Barretto and Atty. Ferdie Topacio dala ng discomfort na idinulot ng maling jokes nina Angel and Betty. My deepest apologies to you, Clau-Clau. I have to take command responsibility here.
Anyway, masaya rin ang composer ni Michael ng bago niyang song, ang “Pare, Mahal Mo Raw Ako” na si Joven Tan, an entry sa nalalapit na Himig Handog P-Pop Love Songs which grand finals ay gaganapin sa Smart Araneta Coliseum this coming Sept. 28.
Lalo na nang pumasok ang violinist who helped the band accompany sa special song na ito sa concert. Anyway, speaking of Michael and Prima Diva Billy, magiging guest sila at 2:30 p.m. today sa Gaisano sa 3rd floor ng Market, Market sa The Fort para sa book launching ni kaibigang Joven Tan. Naku, marami tiyak ang matutuwa sa biritan ng dalawang ito. Ha-hahaha!
( bandera.ph file photo )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.