NAGPAKATOTOO ang komedyanteng si Pokwang nu’ng inamin niya sa amin na nami-miss niya ang pagho-host sa noontime.
For the longest time kasi ay kasama siya sa mga pangtanghaling programa ng ABS-CBN.
Kaya naman pumasok na raw sa sistema niya mula sa pagpe-prepare papunta sa show hanggang sa pagtatapos ng araw.
Maaga pa rin daw siyang gumigising sa umaga kahit wala siyang commitment.
Umaasa naman si Pokwang na ‘di siya pababayaan ng ABS at may nakahandang programa para sa kanya ang istasyon.
Sa ngayon, ang show lang niya sa Kapamilya network ay ang top-rating sitcom na Toda Max with Robin Padilla, Vhong Navarro and Angel Locsin.
Bukod diyan, may dalawang pelikula na ginagawa ngayon ang komedyana na pawang mga bigating direktor ang nagha-handle.
Una na diyan si direk Chito Roño for “The Healing” sa Star Cinema at si Joel Lamangan sa “Dead na Dead Sa ‘Yo” for Regal Fillms. Nakailang shooting days na siya for “The Healing” at five shooting days na lang daw sila sa “Dead na Dead Sa ‘Yo.”
Kasama ni Pokwang sa “The Healing” sina Gov. Vilma Santos at Kim Chiu. While sina Gabby Concepcion at Ruffa Gutierrez naman ang co-stars niya sa “Dead.”
“Nakakatuwa kasi nu’ng Grade 5 o Grade 6 yata ako noon may shooting si Gabby sa Antipolo. Movie nila ni Sharon Cuneta. E, ‘yung kalsada pababa, takbo ako.
Hindi ko napansin may sampayan.
Yun, nagkasugat ako, nakakalokah! Hindi ko na maalala kung anong title ng movie sa dami ng ginawa nila.
Ngayon, kasama ko pa si Gabby sa movie, nakakatuwa, ‘di ba?” kwento ni Pokwang.
Hindi pa raw niya nababanggit kay Gabby ang tungkol dito dahil super busy sila sa shooting.
Pero ang matindi diyan, nakahalikan pa niya si Gabby sa movie.
“Anong feeling? Nasarapan. Ha-hahaha! Lasang cherry! Pero hindi naman ‘yung talagang kiss na matindi.
Parang pabugsu-bugso lang, e. Namatay kasi ako sa movie.”
Inaasahan naman ni Pokwang na makakanood si Gov. Vi at Gabby sa concert niya with Pooh, Chokoleit and K Brosas sa Music Museum on March 16 and 17 na pinamagatang “4 Da Best Pak Na Pak!”
Ngayon pa lang ay selling like hotcakes na ang ticket for the concert.
At ang nakakalokah dito, hindi pa naipalalabas ang concert, e, may repeat na agad ito, huh!
So, meaning marami talaga ang nag-aabang sa kauna-unahang pagsasama-sama sa isang concert ng mga bigating komedyante sa telebisyon at pelikula.
Pero makakabili pa kayo ng ticket sa Music Museum at sa lahat ng SM department stores.
Ang “4 Da Best Pak Na Pak!” ay mula sa direksyon ng batikang director ng live comedy concert shows na si Andrew de Real at mula sa script ni Joel Mercado na siya ring nagsulat ng “Segunda Mano”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.