Sakit ni Ate Guy hindi pa magaling | Bandera

Sakit ni Ate Guy hindi pa magaling

|February 27,2012
facebook
share this

Sakit ni Ate Guy hindi pa magaling

- February 27, 2012 - 03:16 PM

Malalim pa ang mga sugat sa lalamunan

OPO, nakabalik na nga po last Friday ang nag-iisang Superstar nating si Ms. Nora Aunor from the States – more than a month din siyang nawala sa bansa dahil nga kailangan niyang ipagamot ang kanyang lalamunan sa Boston, Massachussets.

Pero hindi na raw itinuloy ang operasyon kay Mama Guy.

“Hindi pa ako puwedeng operahan agad. NagtI-therapy muna ako.

Iyan ang advise ng doctors doon. May process pa kaming aayusin bago ako tuluyang operahan, ‘yan ay kung kailangan pa.

Handa na akong magpa-opera para tuluyan nang makapag-concert. Ha-hahaha! Miss na miss ko na ang pagkanta,” ang pahayag ng Superstar.

“Hindi naman daw tinamaan ang vocal chords ko.

Malalim lang daw ang sugat na epekto ng gumawa sa akin sa Japan pero hindi tumama sa vocal chords kaya malaki raw ang chance na maisaayos ulit ang boses ko.

Kailangang sundin ko lang ang therapy,” sabi pa ni Mama Guy nang makausap ko sa telepono.

Sana ay maibalik agad ang boses ni Mama Guy bago ito mag-birthday sa May 21.

Balak kasi naming mag-birthday concert siya dahil marami sa kanyang mga tagahanga ang nangungulit kung kailan ulit magsu-show si ate Guy in a huge venue like the Smart Araneta Coliseum.

Pero siyempre, kailangan pa ng mahaba-habang preparation for this. Hindi naman biro ang mag-show sa Araneta, ‘no!

“Sobrang excited na rin ako. Pero siyempre, habang wala pa, bisi-bisihan muna tayo sa TV and movies na gagawin ko for TV5.

Marami kasing naka-line-up na shows for me kaya magpu-focus muna tayo rito,” ani Mama Guy.

Basta po nandito lang kaming lahat ng tagahanga ni Mama Guy, sa anumang projects na gagawin niya, 1000% ang suportang ibibigay namin sa kaniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Promise iyan. Walang kiyems.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending