Tia Pusit kailangang makalikom ng P1-M para sa gamot
Mas nakakabilib ang mga celebrities na imbes magpasiklab o magpa-kyut sa nauusong ALS ice bucket challenge ay direkta ng nagpapadala o nagbibigay ng tulong sa mga kapwa celebrities nilang may mga pinagdaraanang sakit ngayon.
Gaya ng mga kilala naming ayaw nang magpabanggit ng names na noong mabasa ang panawagan ng anak ng komedyanteng si Tia Pusit ay agad na tumulong.
Si Tia Pusit ay matagal na palang nakikipaglaban sa kanyang karamdaman sanhi ng kidney failure at aortic aneurysm. Nasa charity ward ito ng Philippine Heart Center sa Quezon City.
Ang kanyang panganay na anak na si Christian Uybengkee, ang nanawagang kailangan ng 66-anyos na ina ng tulong pinansyal dahil sa malaking gastusin sa ospital.
Kailangan daw nilang mag-raise ng isang milyong piso at least para ma-sustain ang gamutan ng mahal nilang nanay na napaka-positibo pa rin sa buhay at nakikipaglaban sa kanyang sakit.
Early this year ay na-detect na mayroong heart enlargement si Tia Pusit kaya siya naospital hanggang sa magbalik-balik na nga ito at nitong huli ay dinala siya sa National Kidney Institute dahil sa kidney failure.
Pinalipat na nga lang siya sa Heart Center nang malaman ng mga doktor ang karamdaman nito sa puso dahil mas marami raw espesyalistang doktor du’n.
Kinakailangan siyang maoperahan agad para hindi lumala at magkaroon ng ibang kumplikasyon. “Hopeful siya, positive ang attitude niya towards operation.
Ine-explain naman namin at ng doctors kung para saan ang operasyon,” paliwanag ng anak nito. Kaya sa mga nagnanais tumulong kay Tia Pusit, lalung-lalo na yung mga napatawa niya at naaliw sa kanyang kakayahan bilang komedyante, maaari po tayong magpadala ng donasyon kay Christian Uybengkee sa BPI (Trinoma branch) na may account number 4239-0591-26.
( Photo credit to EAS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.