Cristine masisira ang career dahil sa pakialamerong boyfriend
HINDI namin alam kung true ang chikang hindi na matutuloy si Cristine Reyes sa Pinoy adaptation ng isang Colombian teleserye kung saan makakasama niya sina Angelica Panganiban at JC de Vera.
It was reported na ang pag-ayaw ni Cristine sa mga eksenang sexy ang siyang dahilan kung bakit namimiligro siyang hindi matuloy sa bago niyang soap opera.
Ang drama kasi ngayon ni Cristine ay iwas na siya sa mga sexy scenes. Nahihiya na raw siyang magsimba dahil sa kanyang mga pinaggagawa sa kanyang movies at TV shows na pawang pagpapaseksi.
Pero how true na may kinalaman ang kanyang bagong boyfriend sa kanyang desisyon na magbago na ng imahe? We don’t know if she’s aware that her boyfriend is the one na sinisisi sa kanyang decision na magpa-wholesome muna.
As it is, mukhang in love na in love naman ang hitad sa kanyang bagong hunky Papa kaya sinusunod niya ang mga request nito. Isa na nga iyong pagpapalit niya ng imahe.
Saan ngayon pupulutin ang career ni Cristine kung hindi siya magpapaseksi? E, yun naman talaga ang pinagsimulan ng lahat sa kanyang showbiz career.
Meron pa kayang magkaroon ng interes sa kanya kapag hindi na siya nakitang nakahubad sa kanyang mga projects?
( Photo credit to cristine reyes official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.