Kathryn sa fans ni Nadine: Hindi warfreak ang mga KathNiel!
Walang issue kay Kathryn Bernardo kung maging magkamukha man sila ng bida sa pelikulang “Talkback And You’re Dead” na si Nadine Lustre. Marami kasi ang nakakapansin na hindi lang sila magkahawig, kundi pareho rin daw sila ng style sa pagsasalita.
Ani Kathryn sa isang interview, “Of course, pag sinasabihan ka na may kamukha ka, ganyan, nakakatuwa naman kasi may ibang tao na na-ko-compare ka nila.
“Wala namang issue sa akin ‘yon, kasi pag nakikita ko siya sa screen, very pretty naman siya, very charming, so wala namang problema,” sabi pa ng “girlfriend” ni Daniel Padilla.
Kuwento pa ng Teen Queen ng ABS-CBN, nagkita na raw sila nang personal ni Nadine last Sunday sa ASAP, pero hindi sila nabigyan ng chance na magkuwentuhan dahil super busy ang lahat sa backstage habang ongoing ang nasabing Sunday musical show ng Dos.
Nagkomento rin ang dalaga sa sinabi ni Nadine na totoong bina-bash siya ng ilang fans ni Kathryn dahil sa pagiging magkamukha nila, “Feeling ko, ‘yung iba kasi na mimis-interpret nila ‘yung mga Kathniels na, ‘Grabe, war freak,’ ganyan, pero hindi. Very caring lang talaga ‘yung Kathniels sa amin ni DJ.”
Hirit pa ni Kath, “Feeling ko naman kasi, wala rin silang gagawing iba kung wala silang nakikitang…kung walang nagsimula. Feeling ko, nami-misinterpret lang ‘yung iba.
Madali mo naman pakiusapan ‘yung mga Kathniels. Grabe lang talaga ‘yung suporta nila at nagpapasalamat talaga ako doon.”
( Photo credit to EAS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.