Gerald muntik nang mamatay, hinimatay sa ilalim ng tubig
MUNTIK na palang mamatay ang Kapamilya hunk actor na si Gerald Anderson noong kasagsagan ng taping nila para sa seryeng Dyesebel na pinagbidahan ni Anne Curtis.
Ayon sa ulat, nawalan ng malay si Gerald habang nagre-rehearse para sa ilang eksena sa isang malawak na swimming pool na naging sanhi ng muntikan na niyang pagkalunod.
“Taping kami sa Subic tapos lilipat kami ng location. Ang unang location, pool, an Olympic sized pool. Mahilig ako i-push ‘yung sarili ko, i-challenge ‘yung kung ano yung kaya kong gawin.
Mahilig ako mag-swimming, ‘yung nakasisid lang sa ilalim ng tubig. ‘Yung one breath lang tapos aabot na sa dulo. Hindi ko maabot-abot tapos sabi ko sa kanila, ‘Hindi tayo aalis dito hangga’t hindi ko maabot,’” kuwento ni Gerald sa interview ng ABS-CBN.
“Pinilit ko, sabi ko last try. I took a deep breath, lumangoy ako. ‘Yung nararamdaman ko na nanginginig na ‘yung katawan ko, magba-blackout na ako.
As in sa ilalim ng tubig nanginginig na ‘yung kamay ko pero pinilit ko pa rin,” patuloy pang kuwento nito. Nu’ng malapit na raw siya sa finish line, doon na siya nawalan ng malay, “Paangat na ako, biglang nag-blackout ako.
Nasa ilalim ako ng tubig, nahimatay ako. Less than a minute naman pero ‘yung mga kasama ko, hindi nila alam ‘yung nangyayari. Hindi ko rin alam kasi nu’ng nasa ilalim ako ng tubig, biglang nag-last breath ako. Ang dami kong tubig na nainom!”
“Pagkatayo ko, hirap na hirap ako. Tapos nakita nila ako. Nagtaka sila. First time na nangyari sa akin. ‘Yun pala ‘yung feeling na muntik ka nang mamatay. Totoo pala ‘yung magpa-flashback.
Para akong nananaginip sa ilalim ng tubig nu’ng nangyari sa akin ‘yun,” patuloy ng binata. Hirit pa nito, “It was a good experience naman para sa akin.
At least alam ko ‘yung limits ko. It’s very dangerous pero okay naman. At least na-experience ko ‘yun.”
( Photo credit to gerald anderson official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.