Pacman nagiging weird, pero galante pa rin | Bandera

Pacman nagiging weird, pero galante pa rin

- February 23, 2012 - 03:41 PM


KUNG marami ang nawiwirduhan ngayon kay Manny Pacquiao, mas marami pa rin ang umiidolo at nagmamahal sa kanya, lalo na ‘yung mga kababayan nating napapasaya niya sa Manny Many Prizes ng GMA 7 tuwing Sabado ng gabi.

At sa darating na Saturday night, aapaw ang ganda at kaseksihan sa Manny Many Prizes – rarampa sina Fabio Ide, Carla Abellana at Rufa Mae Quinto. Makikipagkulitan rin as guest co-host sina Carla at Rufa Mae kay Ninong Manny.

Makikipagbiritan  si Frencheska Farr sa mga maglalakas-loob na sumali sa hamon ng Boksing-along.

Tutukan rin kung saan naman mapapadpad at mamamakyaw ng mga paninda sina Pekto at Gladys sa Pacquiaone, Pacquiaowin.

At sa kauna-unahang Letrambol: Sampayan Edition, makakasama natin sina Daniel Matsunaga at Hideo Muraoka at ang mga players na mga kontesero at kontesera sa mga pageants.

Isang milyon pa rin ang naghihintay sa maswerteng live audience para sa Easy Manny Jackpot Round. Pati mga nasa bahay, may pagkakataon rin makapag-uwi ng premyo sa Pacman’s Pick Homeviewer’s Edition.

Kilalanin rin ang kambal na sumulat sa Dear Ninong na sina Amabelle at Queenie Cayuhan, na ginagamit ang talento sa pagkanta upang matulungan ang kanilang Lola Melchora.

Ano nga ba ang kanilang wish? Ngayong Sabado, mabibigyan sila ng chance na  maibahagi sa mundo ang kanilang talento, at abangan ang mga inihandang sorpresa para sa kanila ni Pacman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending