Robin saludo kina Ryan at Willie: Sila’y magigiting na lalaki! | Bandera

Robin saludo kina Ryan at Willie: Sila’y magigiting na lalaki!

Cristy Fermin |August 19,2014
facebook
share this

Robin saludo kina Ryan at Willie: Sila’y magigiting na lalaki!

Cristy Fermin - August 19, 2014 - 03:00 AM

ROBIN PADILLA, WILLIE REVILLAME AT RYAN AGONCILLO

Ang pagrespeto ay ikalawang balat na ni Robin Padilla. Pagdating sa pagpapahalaga at pagbibigay-pugay sa mga taong karapat-dapat ay wala kang mahahanap na pintas sa action star dahil palagi niyang pinaiiral ang respeto sa bawat tao.

Nu’ng unang sultada ng Talentadong Pinoy ay nagbigay-pugay siya kina Ryan Agoncillo at Willie Revillame.

Nu’ng kinakausap na kasi siya ng pamunuan ng TV5 ay nilinaw niya muna kung sa pagtanggap ba niya sa hosting ng talent search ay wala siyang masasagasaan?

Tinapat siya ng mga bossing, hindi na si Ryan ang magho-host, inialok ‘yun kay Willie Revillame pero tinanggihan nito, ‘yun ang istoryang narinig ni Robin.

Kaya nu’ng Sabado nang gabi, bago nila sinumulan ni Mariel Rodriguez ang pagpapakilala sa unang kalahok, ay pinasalamatan muna ni Binoe ang dalawang TV hosts na ayon sa kanya ay magigiting.

Panalo ang unang episode ng Talentadong Pinoy, kumpletos rekados, binigyan ng bagong atake ng mag-asawa ang programa.

Buhay na buhay na naman ang entabladong pang-Pinoy talaga at likhang-Pinoy.

Siguradong tuwing Sabado nang gabi pagkatapos ng Who Wants To Be A Millionaire? ay paglalaanan na naman ng panahon ng ating mga kababayan ang programang nagbibigay ng oportunidad sa ating mga kapwa Pinoy para mailabas ang kanilang mga nakatagong talento.

Maligayang bati sa lahat ng bumubuo ng Talentadong Pinoy!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending