Joshua tsugi na sa PBB; Kim kinampihan ng viewers | Bandera

Joshua tsugi na sa PBB; Kim kinampihan ng viewers

Ervin Santiago |August 19,2014
facebook
share this

Joshua tsugi na sa PBB; Kim kinampihan ng viewers

Ervin Santiago - August 19, 2014 - 03:00 AM

JOSHUA GARCIA AT KIM CHIU

Marami ang nalungkot nang mapalayas sa Bahay ni Kuya ang sinasabing mayabang at feeling guwapong housemate na si Joshua Garcia. Pero kung may na-sad, meron din namang natuwa sa pagkakatsugi ng binata sa PBB dahil asar na asar daw sila sa ugali nito.

Siya ang latest na na-evict sa PBB All In noong Linggo ng gabi. Si Joshua ang ika-14 housemate na natanggal sa nasabing reality show ng ABS-CBN.
Nakuha ni Joshua ang pinakamataas na text votes (34.57%) mula sa mga manonood, habang nakaligtas naman sa eviction sina Jane Oineza (24.755) at Daniel Matsunaga (9.82%).

“Salamat po. Maraming, maraming salamat po Kuya,” ani Joshua bago lumabas ng PBB house. Sinalubong siya ng kanyang tatay matapos ang eviction night.

Ayon sa ilang nakakausap namin, gusto na nilang matanggal si Joshua sa contest dahil hindi naman siya nagpakita ng “remarkable performance” sa loob ng Bahay ni Kuya. At maraming um-agree sa dating PBB big winner na si Kim Chiu at sa iba pang supporters ng reality show na nagsabing hindi deserving si Joshua na manalo dahil sa pagiging tamad nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending