Kim type maging 'BFF' si KC: Cool naman siya tsaka mabait! | Bandera

Kim type maging ‘BFF’ si KC: Cool naman siya tsaka mabait!

Julie Bonifacio - August 18, 2014 - 03:00 AM

ROYAL teleserye ang tawag namin sa book 2 ng top-rating primetime series ng ABS-CBN na Ikaw Lamang. Paano ba naman kasi nasa bagong cast ng programa ang Drama King na si Christopher de Leon, ang Drama Prince na si Coco Martin, ang Teleserye Princess na si Kim Chiu at ang showbiz royalty na si KC Concepcion.

Bongga, ‘di ba? At dahil mas madadagdagan pa ang panahon na magkakasama sina Coco at Kim sa teleserye, tinanong namin ang tsinita aktres after the presscon kung mas close na sila ngayon ng Drama Prince.

“Okey naman kaya lang nu’ng book 1 kasi hindi kami masyadong nagkasama. Sa ibang unit si Coco. Magkaiba kasi kami ng pamilya. May kanya-kanya kaming pamilya dahil nag-asawa na kami, ganoon,” sagot ni Kim.

Hindi pa raw buo ang script kaya hindi pa alam ni Kim kung kailan sila magiging close ni Coco, “Siguro mas marami kaming time together, and ‘yung samahan namin ngayon mas magaan kesa sa book 1, na bawal  na pagibig.

Eto (book 2), wala lang, nagkita lang sila sa kalye,” natatawang sabi ni Kim. Iba naman daw ang gagawin niya sa book 2 ng Ikaw Lamang. Medyo gumaan daw ang role niya at makakahinga na siya.

Hindi ‘yung lagi siyang kinakabahan sa mga eksena niya. Although, pareho naman daw challenging ang roles niya.  “Eto nga lang, ‘yung as Andrea parang magaan lang. Mae-excite sila.

Hindi sila mapapagod panoorin. Parang napapagod kasi sila doon sa una kong role. Sabi nila, ‘Napapagod na kami Kim? Iyak ka nang iyak.’  Ngayon, hindi na.”

Pawang award-winning actors ang mga kasama ni Kim sa Ikaw Lamang. Kaya may nagtanong sa kanya na dahil kaeksena nga niya ang mga ito ay mas nararamdaman ba niya ngayon ang pagiging aktres?

“Oo naman, kasama mo ba  naman etong magagaling na artista from book 1 to book 2. Kahit wala kang lines, dapat umarte ka. Dapat maluha-luha ang mata mo kahit wala kang sinasabi,” diin niya.

First time naman nilang magsasama ni KC sa isang proyekto. May chance kaya na maging close sila ng Mega daughter? “Oo naman,” mabilis na sagot ni Kim.  “Kasi approachable naman siya and cool.

And, ‘yun mas maraming eksena na magkakasama kami kasi darating din ‘yung time na malalaman ko na anak ako ni Franco.  Magkakasama kami sa isang bahay.”

But as of this writing, hindi pa raw sila nagkakaeksena ni KC. Medyo matatagalan pa raw bago sila magkita sa set ng Ikaw Lamang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa direksyon nina Malu Sevilla, Manny Palo at Avel Sunpongco, ang Ikaw Lamang ay  ang master teleserye ng Kapamilya network at isa sa mga obra ng Dreamscape Entertainment Television at napapanood gabi-gabing pagkatapos ng Hawak-Kamay.

( bandera.ph file photo )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending