Teleserye ni Piolo mahina sa rating, maraming sablay | Bandera

Teleserye ni Piolo mahina sa rating, maraming sablay

Cristy Fermin - August 16, 2014 - 03:00 AM


Balitang patitibayin ng kanyang network ang casting ng teleserye ni Piolo Pascual. ‘Yun kasi ang itinuturong dahilan kung bakit hindi ‘yun makaarya sa labanan ng rating.

Mahina raw kasi ang pundasyon ng serye, si Piolo lang at si Iza Calzado ang malalaking artista, samantalang ang kanilang kalaban ay busog sa magandang casting.

Kapag ganu’n na mahina ang isang palabas ay napakaraming dahilan na ibinibigay ang produksiyon. Nandiyang hindi maganda ang oras, nandu’ng kulang sa mga artistang magmamarka sa manonood, kung ano-anong katwiran ang pinalulutang.

Pero may mga pagkakataong hindi na talaga malakas ang hatak ng bumibida sa publiko dahil pana-panahon lang naman ‘yan. Kung nagkaroon man ng panahong kahit ano ang kanyang gawin ay patok sa manonood, dumarating din ang panahon ng taglagas, namimili na siya ng role na gagampanan dahil lipas na ang kanyang panahon.

Hindi matatawag na laos si Piolo Pascual, nandiyan pa rin siya at umaalagwa pa rin ang pangalan, pero sa pagtanggap ng proyekto ay kailangang pag-aralan nang mabuti kung ano ang kanyang magiging atake.

Hindi na siya matinee idol, lalong hindi na siya heartthrob, ilang taon na lang at nasa liyebo kuwarenta na ang guwapong aktor.
Hindi napipigilan ang pagkakaedad, lalong hindi puwedeng gawin ng may edad na ang proyektong bagay lang sa mga bagets, ‘yun ang pinagdadaanang estado ngayon ni Piolo Pascual.

Kailangang pag-aralan na ng produksiyon kung saan siya ilalagay at kung anong trabaho ang puwede niyang gawin. Kung noon ay puwede na ang kahit ano lang, ngayon ay hinahanapan na siya ng bago ng publiko, ‘yun ang totoo.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending