Letran pinabagsak ang San Beda | Bandera

Letran pinabagsak ang San Beda

Mike Lee - August 14, 2014 - 07:14 PM

Laro sa Sabado
(The Arena)
2:30 p.m. All-Star Game
Team Standings: San Beda (7-2); Arellano (7-2); Jose Rizal (6-3); Perpetual Help (5-4); Lyceum (5-4); St. Benilde (5-4); San Sebastian (3-6); Emilio Aguinaldo (3-6); Letran (3-6); Mapua (1-8)

KUMAWALA agad ang Letran Knights sa kaagahan ng laro para itala ang di inaasahang 64-53 dominasyon sa four-time defending champion San Beda Red Lions sa pagtatapos ng 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Si Mark Cruz ay mayroong 17 puntos, 5 rebounds at 3 assists para sa Knights na lumamang sa kabuuan ng laro dahil hindi ginamit ng Red Lions ang pambatong sentro na si Ola Adeogun dahil sa pagliban nito sa tatlong ensayo ng koponan.

Sinabayan pa ang pagkawala ng 6-foot-8 center ang masamang shooting nina Anthony Semerad at Baser Amer upang lasapin ng San Beda ang ikalawang pagkatalo matapos ang pitong panalo.

Dahil dito ay nakasosyo sa unang puwesto ang pahingang Arellano University (7-2) habang ang Letran ay kumubra ng kanilang ikatlong panalo sa siyam na laro at makaahon tungo sa pitong puwesto kasama ang Emilio Aguinaldo College at San Sebastian College (3-6).

Bunga ng pangangapa sa outside shooting, ang Red Lions ay gumawa lamang ng anim at pitong puntos sa first half para maiwanan ng 20 puntos, 33-13, sa halftime.

Pinakamalaking kalamangan sa laro ay 23 puntos na ibinigay ng triple ni Rey Nambatac, 49-26.

Hanggang 12 puntos na lamang ang pinakamalapit na naabot ng Red Lions para matalo sa unang pagtutuos matapos maglaban sa titulo noong nakaraang taon.

Si Nambatac ay may siyam na puntos habang si Arthur dela Cruz ang nagdala sa laban ng San Beda sa kanyang 16 puntos.

Naunang nakapanggulat ay ang College of St. Benilde nang padapain ang University of Perpetual Help, 77-73.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending