Kris halatang kilig pa rin kay Bistek; hindi matanggap na siya ang inayawan ng lalaki | Bandera

Kris halatang kilig pa rin kay Bistek; hindi matanggap na siya ang inayawan ng lalaki

Cristy Fermin - August 14, 2014 - 03:00 AM


Sa pinakahuling paghaharap nina Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino sa kanyang programa ay halatang-halata na ang isyu ng pagsampal ng tagapamuno ng Quezon City sa isang drug lord ay gustung-gustong ihapay ng aktres sa nakaraan nilang relasyon.

Magaling lang talagang maglihis ng paksa si Mayor Herbert, alam nito ang gagawin kapag medyo pasulong na si Kris sa gusto niyang mangyari, lumalabas tuloy na para siyang naghahabol sa lalaking iwas naman nang iwas.

Ayon kay Kris ay tapos na ang lahat sa kanila ng mayor, pero sa kanyang pananalita ay hindi niya na naman kayang panindigan ang kanyang mga sinasabi, hindi yata kasi matanggap ni Kris na maagang nagising sa katotohanan ang pulitiko at ang pamilya nito ang mas pinahalagahan ng lalaking gusto niyang makarelasyon nang mahabang panahon.

Kuwento ng aming source na nakapanood sa kanilang paghaharap, “Halatang-halata na kilig na kilig si Kris, kakaiba ang galaw niya, si Mayor Herbert naman, simple lang.

Halatang inililihis niya ang topic dahil natutunugan na niya na iba ang gustong mangyari ni Kris. “Sa ending, ang sinabi niya na lang, ‘‘Yan si Mayor Herbert, hindi nananakit…

Damdamin lang!’ Sinabayan pa niya ‘yun ng tawa na kanyang-kanya lang, patented na sa kanya ang tawang ‘yun!” kuwento ng aming source.

Natawa lang kami sa kuwento, hindi na kasi bago ‘yun kapag si Kris ang tumitimon ng interbyu, hindi puwedeng matapos ang kanyang panayam nang hindi niya isinasali ang kanyang sarili sa daloy ng interbyu.

‘Yun si Kris Aquino…hindi siya titigil hanggang hindi siya ang bumibida sa kanyang interbyu.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending