Pigilan ang sugal | Bandera

Pigilan ang sugal

- February 20, 2012 - 03:32 PM

NABABAHALA na si Sen. Aquilino (Koko) Pimentel III sa paglaganap at pagdami ng sugal, legal man o ilegal.

At dahil dito, nais niyang imbestigahan ito ng Senate Committee on Games and Amusement at iba pang komite at alamin ang epekto nito sa lipunan at ekonomiya.

Kung ang nais niya’y ipatigil ang lahat ng sugal ay pagtatawanan lamang siya ng taumbayan.

Si Kristo man ay di napigilan ang sugal, na nakarating na sa labas ng templo.

Kung ang nais niya’y ipatigil ang lotto ay walang makikinig sa kanya at kung siya’y aalma ay baka hindi na siya iboto ng bayang lotto.

Kung ang nais ni Pimentel ay ipatigil ang sugal sa mga casino at Internet gambling sites ay huli na ang lahat.

Una nang inalmahan ang mga ito ng simbahang Katolika’t mga moralista, na sumusulpot na parang palitaw, lulubog-lilitaw.

Para kay Pimentel, sumiklab na ang karahasan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa labanan ng malalaking gambling operator.

Pero, walang alam na balita’t pangyayari ng karahasan ang mga tumataya sa lotto.

Para sa kanila, mas marami pa ang krimen na kinasasangkutan ng mga nakamotor.

Ang mahihirap ay maaaring huminto na sa sugal kapag maliit ang panalo.

Pero, kapag daang-milyon ang mapananalunan, pipila ang mahihirap sa pagbabakasakaling yumaman.

Ang mayayaman ay hindi mapipigilan sa pagsusugal, kailanman.

…at impeachment

KUNG di lamang paiiralin ang batas (rule of law), mas makabubuting itigil na ang bista ng impeachment kay Chief Justice Renato Corona.

Kung hanggang ngayon ay hindi handa ang taga-usig, ay itigil na ang pag-uusig.

Kung peke ang ebidensiya nila, huwag nang ituloy ang bista dahil sa barangay man ay hindi tinatanggap ang gawa-gawang katibayan, at sabi-sabi (ang naniniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili at dapat alam yan ng prosekusyon).

Yan ang pananaw ng mga obispong Katolika at mga miyembro’t pamunuan ng Iglesia Ni Cristo.

Sa itinakdang malaking pagtitipon ng INC, igigiit nila ang pag-iral ng batas at hindi ang kuyog.

Na ang ibig sabihin ay litisin si Corona base sa umiiral na mga batas at hindi sa kuyog ng prosekusyon at Ikalawang Aquino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang kuyog ay hindi batas at ang lumalaban sa kuyog ay may paninindigan, tunay na lalaki.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending