True ba...Kris, P-Noy tatraydurin si Mar Roxas sa Eleksiyon 2014? | Bandera

True ba…Kris, P-Noy tatraydurin si Mar Roxas sa Eleksiyon 2014?

Jobert Sucaldito - August 10, 2014 - 03:00 AM


Mukhang mauuwi na naman sa wala ang pangarap ni Sec. Mar Roxas na maging pangulo ng Pilipinas sa susunod na halalan. Nu’ng last elections, naunsiyami ang kaniyang kandidatura nu’ng biglang namatay si late president Cory Aquino and instead na maging vice-president lang niya si President Noynoy Aquino, nabaligtad ito dahil sa simpatiya ng mga Filipino.

Hindi ba’t kaya lang naman nanalo si P-Noy dahil sa simpatiya ng mga tao nu’ng mamatay ang ina niya? That’s what you call destiny. Hindi niya pinaghirapan physically ang pagiging pangulo.

Kaya kita niyo naman, litung-lito siya kung ano ang gagawin niya as president. Ang daming palpak – kasi nga, hindi naman talaga siya ready and is not presidentiable in the first place.

Kung sa pagiging senador niya noon wala naman talaga siyang nagawa, di ba? Sige nga – tell us kung ano ang maipagmamalaki niyang achievement when he was still senator.

Anyway, when he became president, naging mag-best friends sila ni Mar. Lahat na lang ng major events (including catastrophes) ay magka-partner sila.

To the point na natsitsismis na nga silang dalawa, di ba? Pero ngayon, mukhang mabibiktima na naman si Mar Roxas sa pagkawais ng best friend niya.

Kasi nga, nararamdaman na yata ng Aquino clan na delikado sila sa susunod na uupo kaya talagang nakamasid sila kung sino ang malakas na papalit and seems like wala sa list ng heavyweights ang best friend niyang si Mar Roxas kaya tumatalon na sila sa ideya ng pagsuporta kay VP Jejomar Binay sa next polls.

Patay na naman si Roxas nito. Sayang naman ang pagpapaulan niya sa kalye habang nagta-traffic na nakita ko sa Facebook. Ha-hahaha! Another story na naman ng katrayduran ang nakikita namin dito. Patay kang bata ka.

Hindi na yata ieendorso ni P-Noy si Mar dahil vocal na ang mga kapatid niya, including the very takaw sa kontrobersiyang si Kris Aquino, na susuporta sila kay Binay as their next president.

Where does this put Mar Roxas again? Hay naku, another gulo in the kitchen of politics? Well, what else is new?

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending