Piolo sa mga taong mapanglait: Minsan gusto mo nang manapak!
MAY mga pagkakataong gusto nang maghamon ng away ni Piolo Pascual kapag nakakarinig o nakakabasa siya ng mga malilisyosong balita tungkol sa kanya.
Ito raw ‘yung mga kuwento na talaga namang walang basehan at halatang gawa-gawa lang ng mga taong gusto siyang ibagsak o gusto lang manira ng kapwa.
Sa isang interview, sinabi ni Piolo na dumarating din ‘yung panahon na napipikon na siya sa mga intriga at tsismis sa kanya. Kung minsan din daw ay naiinis siya sa mga taong walang ginawa kundi ang siraan siya at pagsabihan ng masasakit na salita.
Naalala pa nga niya nu’ng minsang nasa isang public place siya, “May mga nangungurot na akala stuffed toy ka. Minsan hindi mo maaalis ang mga tambay na kung ano-ano sinasabi.
Minsan gusto mo na lang maghamon pero ikaw pa rin ang talo, e, so kibit-balikat na lang.” Kamakailan, sa panayam kay Piolo ng programang Tapatan Ni Tunying, sinagot na niya ang tsismis na patuloy na ikinakabit sa kanya – ang isyu ng kabadingan, ang tugon ni Piolo, “Bakit ako magpapaapekto? Masakit kung sa masakit.
Parang gusto mong manapak pero anong mapapala ng pagsapak mo? Makasakit ka, nagkasala ka. Masyadong maraming blessings sa buhay ko para mag-dwell ako sa mga ganung bagay.”
Kaugnay nito, mas marami pa kayong malalaman tungkol sa personal na buhay ni Piolo sa E! News Asia Special sa E! channel.
Itinuturing nga si Piolo bilang isa sa pinakasikat na aktor sa telebisyon at pelikula ng bansa.
Patuloy ang kasikatan ng 37 years old na aktor-singer at sa halos dalawang dekada niya sa industrya, nakagawa na siya ng 20 pelikula, 10 solo albums at mahabang listahan ng TV shows.
“A household name in the Philippines, Piolo’s personality, gravitas and compelling life storyare perfect fit for E!,” sabi ng Managing Editor Asia Pacific Universal Networks Internationalna si Christine Fellowes.
Sa 30 minutong palabas ng E! News Asia Special, mas lalo n’yo pang makikilala si Piolo Pascual sa harap at likod ng camera.
Malalaman ang kanyang mga pangarap, tagumpay sa karera, ang relasyon nila ng kanyang anak na si Inigo at marami pang iba.
Sa bagong 30-minute E! News Asia Special, kahanay na ni Piolo sa regional entertainmentpowerhouse sina Lisa Surihani ng Malaysia, Jay Park ng South Korea at Aaron Aziz ng Singapore.
Abangan ang E News! Asia Special: Piolo Pascual sa Sept. 28, 9 p.m. sa E! channel. Samantala patuloy naman ang paghataw sa ratings game ng kanyang TV show na Hawak Kamay gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime Bida.
( Photo credit to piolo pascual official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.