St. Benilde nasilat ng Arellano, 67-66 | Bandera

St. Benilde nasilat ng Arellano, 67-66

Mike Lee - August 09, 2014 - 03:00 AM

Laro Ngayon
(The Arena)
2:30 p.m. Letran vs
Perpetual
Team Standings: San Beda (7-1); Arellano (7-2); JRU (5-3); Perpetual Help (4-3); Lyceum (5-4); St. Benilde (4-4); San Sebastian (3-5); Letran (2-5); EAC (2-6); Mapua (1-7)

NAUNAHAN ni John Pinto ang mga kasabayan sa offensive rebound para bitbitin ang Arellano University  sa 67-66 panalo sa College of St. Benilde at patatagin ang kapit sa ikalawang puwesto sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Ang split ni Paulo Taha ang nagbigay sa Blazers ng 66-64 kalamangan pero nagkaroon ng pagkakataon ang Chiefs na maitabla ang iskor matapos lapatan ng foul ni Taha si Dioncee Holts sa huling 3.1 segundo ng laro.

Medyo nakahinga ang mga panatiko ng Blazers nang sumablay ang pangalawang attempt ng American center pero pinaiyak ni Pinto ang mga kapanalig ng kalabang koponan nang nakuha ang offensive rebound tungo sa follow-up at panalo.

May 19 puntos si Pinto bukod sa limang rebounds at ang Chiefs ay umangat pa sa 7-2 karta, kalahating laro napag-iiwanan ng San Beda College (7-1).

“John did it again for us. He made the biggest play in this game,” wika ni Chiefs coach Jerry Codiñera. Natapos ang four-game winning streak ng Blazers para malagay sa ikaanim na puwesto sa  4-4 baraha.

Sinolo ng host Jose Rizal University ang ikatlong puwesto sa liga sa pamamagitan ng 81-79 pamamayani sa Emilio Aguinaldo College sa unang tagisan.

May 18 at 15 puntos sina Philip Paniamogan at Jaypee Asuncion habang may 13 puntos pa si Bernabe Teodoro. Walong puntos ang ibinigay ng rookie na si Teodoro sa ikatlong yugto para ilayo ang Heavy Bombers sa 66-53.

Pero nag-init si John Tayongtong  sa huling yugto at ang sampung puntos ang nagbangon uli sa Generals. Ang atake sa huling 15 segundo ni Tayongtong ang nagdikit sa Generals sa isa, 80-79, bago iniangat ni John Gorospe ang host sa split.

Natapos ang labanan nang hindi tumama ang pinakawalang three-pointer ni Tayongtong  para angkinin ng Heavy Bombers ang 5-3 baraha. Bumagsaka namanang Generals sa 2-6 ang karta.

( Photo credit to inquirer news service )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending