Iza gustong kuning sperm donor si Piolo | Bandera

Iza gustong kuning sperm donor si Piolo

Ambet Nabus - August 09, 2014 - 03:00 AM


BINIGYAN ni Mother Lily Monteverde ng advanced birthday treat si Iza Calzado noong Huwebes ng gabi, (sa Aug. 10 ang eksaktong kaarawan ng aktres) kasama ang mga kaibigan nito sa entertainment media.

Sa pag-aaring events place ni Mother (38 Valencia) ginanap ang event, kasabay na rin ito ng presscon ng latest movie ng Regal Entertainment na “Somebody To Love” kung saan isa si Iza sa mga bida kasama sina Carla Abellana, Isabelle Daza, Jason Abalos, Matteo Guidicelli, Maricar Reyes at amrami pang iba.

“As in super grateful siyempre. Actually ito na talaga ang party ko dahil may trabaho ako sa mismong birthday ko,” sey ni Iza na very visible nga ngayon in both TV and movies.

“Great year for me ang 2014 and this birthday treat is a memorable one dahil kasama ko ang mga kaibigan ko sa press. Nagpapasalamat ako kina Mother at Ms. Roselle (Teo),” hirit pa ni Iza.

Wish niya na sana’y magtuloy-tuloy ang ganda ng karir niya. Kapwa sila August born ni Mother (Aug. 19 ang birthday ng Regal matriach) kaya’t may handog ang Regal na special movie, ito ngang “Somebody To Love” na showing na on Aug. 20, na sinulat at idinirek ni Joey Reyes.

At dahil considered Regal baby naman si Iza, “She deserves this treat,” tsika pa ni Mother Lily, na nangakong very soon ay bibigyan niya ng project ang Kapamilya actress kung saan posibleng matupad ang pangarap ni Iza na madagdagan pa ang kanyang acting awards.

Kaya naman ang naging isyu sa billing nila ni Carla Abellana na contract star talaga ng Regal ay madaling na-solve dahil sabi ni Iza, “She (Carla) has the right kasi nga siya ang talagang contract star ng Regal.

Nang i-offer sa akin ang movie, ang makapagtrabaho uli sa Regal ang inisip ko at hindi ang billing. Ang maganda naman, nang makiusap ang manager ko (Noel Ferrer) na ayusin na lang ang billing, napakadaling sumang-ayon ang Regal kaya nagkaroon ng ‘and’ before my name sa billing.”

Hindi pinangalanan ni Iza kung sino ang naging peg niya sa role niya sa “Somebody To Love”. Isa kasing sikat na TV host ang role niya sa movie playing Marga Castro na isang maldita at plastikadang host ng isang top rating show sa TV.

“Basta kung ano ang sinasabi ni direk Joey, yun ang ginagawa ko. May mga instances nga na nagugulat at naloloka ako sa karakter ni Marga dahil kahit ako ay nagtatanong kung totoo pa ba siya,” komento pa ni Iza.

May ugali pa raw ang karakter niya na mag-iimbento ng lovelife kuno para pag-usapan siya. May eskena rin daw na pinagmumura at sinigawan niya ang kanyang staff, pero pagharap daw nito sa kamera ay super sweet at super kind na raw.

Maluha-luha naman si Iza nang mapanood ang inihandang video greeting ng Regal para sa kanya kung saan muli niyang nakita ang mga kaibigan na nakasama niya noon sa Eat Bulaga tulad nina Pia Guanio, Pauleen Luna, Julia Clarete at Ruby Rodriguez.

Bumati rin sa kanya via the said video ang kanyang British boyfriend na si Ben. Samantala, tinanong naman si Iza kung sino sa local actors natin ang pipiliin niya bilang sperm donor sakaling kailanganin niya ito in the future, “Si Piolo Pascual, kasi bata pa lang ako talaga crush ko na siya, di ba?”

( Photo credit to iza calzado official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

(

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending