Hayden putak pa rin nang putak, Belo nakakaawa | Bandera

Hayden putak pa rin nang putak, Belo nakakaawa

- February 18, 2012 - 04:09 PM

May mga kaibigan kaming harap-harapang nakakita sa mag-iinang Dra. Vicki Belo, Direk Quark at Cristalle Henares sa isang sosyal na restaurant sa Los Angeles, California nu’ng isang gabi.

Mukhang walang alam sa mga nagaganap dito sa Pilipinas ang aming mga kaibigan dahil hinahanap nila si Hayden Kho, bakit daw hindi kasama ng mag-iina ang boyfriend ng doktora, kuwentuhan daw nang kuwentuhan ang mag-iina habang kumakain.

Sinabi namin sa kanila ang kuwento, hiwalay na sina Hayden Kho at Dra. Belo, kaya ang kanyang mga anak na ang kasama sa huling biyahe ng pamosong doktora.

Ang komento ng isang nandu’n mismo sa umpukang tumawag sa amin, “Dapat lang! The last time we saw Dra. Belo and that Hayden in Beverly Shopping Center, splurge talaga ‘yung lalaki.

As if naman he’s the one paying for all the branded stuff na kinukuha niya.

“Si Dra. Vicki ang nagbibigay ng card niya, hindi naman ‘yung lalaki, obvious bang ginagamit lang naman siya ni Hayden?

Nakakaawa naman siya kung despite that pala, e, nambababae pa rin ‘yung Hayden na ‘yun!” inis na reaksiyon ng aming kausap.

Hiling ng nakararaming kaibigan ni Dra. Belo ay ito na raw sana ang pinakahuli nilang paghihiwalay ni Hayden Kho.

Sana raw ay nagising na sa katotohanan ang sikat na doktora na ginagamit lang naman talaga siya ng lalaking iniahon niya sa sobrang pagkabagsak nu’ng lumutang ang mga video nito na kasama sina Katrina Halili at Maricar Reyes.

Hanggang ngayon ay nagdedenay pa rin si Hayden Kho, gawa-gawa lang daw ang kuwentong nakarating kay Dra. Vicki na madalas silang mag-date ni Nancy Castiglione, isang malaking kalokohan dahil mismong si Dra. Vicki na nga ang nakahuli sa kanila.

Umaasa pa rin siguro si Hayden Kho na mapaniniwala nito si Dra. Vicki, ‘yun ang binabantayan ngayon ng mga anak ng doktora, ang huwag nang magkabalikan pa uli ang dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Harinawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending