Binay di kukunin ni PNoy
KINONTRA ng Palasyo ang pahayag ni Vice President Jejomar Binay na maaari siyang kunin ng Liberal Party (LP) bilang guest candidate sa 2016 presidential elections.
Ani Presidential Communications Operations Office (PCOO) head Secretary Herminio “Sonny” Coloma, “trabaho ang prayoridad ng gobyerno at hindi pulitika.”
“Yung pagpapahusay ng kabuhayan ng milyun- milyong pamilya na nasa laylayan ng lipunan. Ang mga usapin pong ito ay higit na mahalaga kaysa sa pagtutuon sa pulitika na malayo pa naman,” sabi niya.
Itinanggi rin ni Coloma na naghahanda na ang Palasyo para sa 2016 elections.
VP matandang bingi na—Erece
Sinegundahan naman ito ng kaalyado ni Pangulong Aquino na si Caloocan Rep. Edgar Erice na sinabing ang mga “kalaban na may maitim na balak” ay imposibleng kunin bilang guest candidate ng partido.
Ani Erice, maaaring mali ang pagkakarinig ni Binay na kinukuha siyang guest candidate ng LP. “Maybe his sense of hearing is already a little impaired as he is more than 70 years old,” ani Erice.
Malaki rin ang duda niya na maipagpapatuloy ni Binay ang “tuwid na daan” ng administrasyon lalo at ang kailangan umano ng huli na ipaliwanag ang kanyang P15 milyong “bulate” project at kung bakit umabot ng P2 bilyon ang parking na ipinatayo nito.
VP: Di ko siya kailangan para tumakbo
IGINIIT ni Vice President Jejomar Binay na hindi niya kailangang basbasan pa ni Pangulong Aquino para tumakbo sa 2016 presidential elections.
Ayon kay United Nationalist Alliance secretary general at Navotas Rep. Toby Tiangco, malinaw ang sinabi ni Binay na ang ideya na kunin siyang guest candidate ng Liberal Party ay galing sa maka-administrasyong partido.
Wala umanong pormal na usapan kaugnay sa pagkuha kay Binay pero ang personal na pagsuporta dito ni Pangulong Aquino ay “a welcome gesture of trust and confidence.”
“The closeness of the Aquino and the Binay families goes beyond politics. It’s a kinship forged by adversity, trust and shared democratic principles and values at hindi political convenience,” ani Tiangco.
Naniniwala siya na dahil sa balitang ito ay lalakas ang mga hakbang upang “gibain” si Binay.
( Photo credit to inquirer news service )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.