Nora, Vilma pinarangalan ng Cinema One | Bandera

Nora, Vilma pinarangalan ng Cinema One

Ambet Nabus - August 06, 2014 - 03:00 AM


Noong Sunday naman ay parehong pinarangalan ng Cinema One sa kanilang ika-20 anibersaryo sa pamamagitan ng isang concert ang dalawa sa pinakamahuhusay at maimpluwensyang aktres ng bansa – sina Ms. Nora Aunor at Gov. Vilma Santos, bilang mga “acting icons” ng industriya.

Sa loob nga ng 20 years ng Cinema One ay ipinagmalaki nilang napakalaki ng bahagdan nito ang mga obra ng dalawang aktres na tinawag nilang “simbolo” ng tunay na artista sa Pilipinas na may mga obrang pinag-uusapan sa buong mundo.

Though hindi nakadalo ang sinuman kina Ate Vi at Ate Guy, nakita naman sila sa wide screen ng kanilang mga supporters, both thanking Cinema One for serving as bridge to the Filipino masses and the Pinoy pop culture via movies and to our history and culture.

Napakasaya ng selebrasyon hosted by KC Concepcion with great performers like Yeng Constantino, Hajji Alejandro, Jed Madela, Angeline Quinto, KZ Tandingan, Jovit Baldivino,Vernie Varga, Christian Bautista, Karylle, Sam Concepcion, Morisette, at Pokwang.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending