Namimili na raw kasi siya ng mga projects
SA ginanap na presscon ng Junior Masterchef Pinoy Edition Finale: Live Cook-Off (na mapapanood bukas ng gabi) ay nakatsikahan namin ang host na si Judy Ann Santos tungkol sa isyung namimili o tumatanggi na siya sa mga projects na inaalok sa kanya.
May magandang paliwanag ang aktres tungkol dito, “In fairness sa akin ha, hindi ko naman tinatanggihan.
Wala pa naman yata akong project na tinanggihan nang wala akong sapat na dahilan.
Siyempre, mas magiging mapili ka lang ngayon sa mga projects kasi hindi naman ibig sabihin, pag bagets ka, tira ka lang nang tira ng mga proyekto.
“Siyempre, kailangan mo ring pag-aralan.
It’s not like before na kahit anong project ang gawin mo, maganda o pangit, okay lang kasi nandiyan ‘yung pera.
Ngayon, hindi na, kasi ang dami nang artistang dumarating.
Hindi lang ito basta sa pera. Kailangan gusto mo ‘yung gagawin mo, gusto mo ‘yung istorya, magugustuhan ng mga tao.
“Kasi after ng project mong ‘yun, kailangan may papasok na kasunod.
E, kung mag-flop, e, di wala nang kasunod. So, kailangan talaga ngayon, pinag-iisipan lahat.
“Hindi naman po ako nagma-maldita or hindi ako nagpapaka-diva.
Mahal ko kasi masyado ang trabaho ko, mahal ko ‘tong sinimulan ko, dito ako lumaki.
Siyempre, gusto mo ‘yung slowly but surely and of course, malaking factor ‘yung may family.
“Kasi hindi mo naman maire-rewind itong pagkabata nitong mga anak ko.
So, natutuwa lang din ako at naa-appreciate ko nang sobra na nirerespeto naman ng mga producers ang hiling ko,” paliwanag ni Juday.
At pagdating naman sa pag-e-endorso ng mga produkto ay nagpapasabi siya na bigyan siya ng anim na buwan para gamitin ang mga ito,
“Dapat kasi ginagamit talaga namin, sabi ko, give us six months to try the products, kasi it’s a false advertisement if you endorse a product and you don’t use it naman, especially kapag involved ang kids, hindi mo naman puwedeng pagsinungalingan ‘yung mga bagets na,
‘Yohan ha, sabihin mo, ginagamit mo ‘to, hindi, ayoko ng ganu’n.
Sana hindi isipin ng mga tao na maarte ako o nagmamaldita ako,” paliwanag pa ng aktres.
Kinlaro rin ni Juday ‘yung offer kay Lucho na mag-endorso ng isang diaper brand na hindi pa naman daw sila ulit tinatawagan,
“Nu’ng time kasi na nag-alok sila, two months old pa lang si Lucho, e, hindi pa naman siya safe na i-expose sa ilaw, kasi hindi natin alam ang mga sakit-sakit ngayon.
Hindi naman ako nagiging maarte, gusto ko lang maging maingat or safe ang environment.
Sobrang nae-enjoy daw kasi ni Mrs. Agoncillo ang pagiging nanay sa dalawa nilang anak ni Ryan na sina Yohan at Lucho at ayaw daw niyang ma-miss talaga ang isang araw na hindi napagsisilbihan ang mga bagets lalo na kung wala siyang trabaho.
Kaya na-curious kaming tanungin kung ano ang daily routine ng sexy at yummy wife ni Ryan kapag nasa bahay lang siya.
“Sa bahay, gigising ako ng maaga, halimbawang hindi ko nakita si Yohan ng buong araw, gigising ako ng maaga para asikasuhin ko siya for school.
Tapos diretso na ‘yan, kasi si Lucho, gigising na, gagawin ko na ‘yung pagkain niya at gagawin ko na rin ‘yung baon ni Rye tapos maglalaro na kami ni Lucho.
“At sa time na walang masyadong ganap (trabaho), isasama ko si Lucho sa gym, pagkatapos maggo-grocery naman na ako, lulutuin ko naman ‘yung dinner namin,” masayang kuwento ni Juday.
Samantala, sa natitirang apat na Junior Masterchef contenders na sina Jobim, Kyle, Mika at Philip ay pabirong inamin ni Juday na ang una ang bet niya, “Si Jobim, bet ko paglaki. Ha-hahaha!”
“Hindi ako magpapaka-showbiz ha, itong mga batang ito paglaki, ang hirap-hirap na nilang i-judge kasi talagang ang galing-galing na nila, especially si Philip, ang bilis ng improvement.
“Mas kinakabahan pa nga ako ngayon para sa kanila, kasi hindi ko alam kung anong lulutuin nila.
Kinakabahan ako as a judge kasi, di ba, paano? I’m sure lahat ‘yan may ipapakitang iba, kung puwede lang lahat sila tawaging Junior Masterchef, di ba?” say ni Juday.
Ang mananalo ay makakatanggap ng P1 million at culinary scholarship. Bukas, 6 p.m. mapapanood ang Junior Masterchef Pinoy Edition Finale: Live Cook-Off kasama pa rin sina chefs Lau, Jayps at Ferns.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.