Aljur inutusan daw ng Bossing ng GMA na awayin si Alden | Bandera

Aljur inutusan daw ng Bossing ng GMA na awayin si Alden

Jobert Sucaldito - August 04, 2014 - 03:00 AM


ITO ang part two ng aming column kahapon tungkol sa tunay na mga dahilan ng pagpapa-release ni Papa Aljur Abrenica mula sa GMA Artist Center talent management na umabot na nga sa korte dahil wala namang nangyari sa pakikipag-usap ng mahal nating aktor sa mga taong namamahala sa career niya.

Ang unang dalawang reason nga ay ang ginawang pag-ban ng SM mall kay Aljur dahil sa pagmamaldita ng kanyang handler during an event sa isang branch ng said shopping mall at ang pangalawa ay ang pagtanggal sa kanya bilang isa sa celebrity endorsers ng Bench kung saan nakatakda sana siyang gumawa ng underwear campaign.

At narito nga ang pangatlong rason kung bakit humingi na ng tulong sa korte si Papa Aljur para makawala na sa kontrata niya sa GMA Artist Center.

May kinalaman ito sa album na ginawa niya sa GMA Records. Matagal na pala siyang nakagawa ng album sa said recording company pero never itong ni-release.

Kaya after a while, since pangarap ni Aljur na magka-album, nag-produce na lang siya ng sarili niya kung wala namang balak ang Artist Center na i-release iyon.

Gumastos talaga siya – di biro ang mag-produce ng album kaya. Laki rin ng perang involved and since full album ang ginagawa niya, four songs to go pa siya actually bago ito matapos.

As a producer, nakipag-usap siya sa MCA para siyang mag-distribute nito and through MCA ay nakipag-coordinate sila with a certain label for Aljur’s soon to be released ngang album.

Then, nagpahayag finally ang Artist Center na susuporta raw sa album ni Aljur in terms of packaging and promo. Kaya lang, di ko lang din maintindihan kung bakit parang saliwa sa direksiyon ni Aljur ang nais nila – ang sina-suggest naman nilang gawing title nito ay “Nota”, “Sisid”, “Check-In” at kung anu-ano pang naughty and out-of-this-world na double meaning titles.

Gusto yata nilang gawing male Selina Sevilla or Mystica si Aljur samantalang ang mga kanta naman niya rito ay mga serious songs. Hindi naman novelty kumbaga. Kaya na-turn off na naman sa kanila ang binata.

Marami pang mga dahilan kaya sobrang sumama na ang loob sa kanila ni Aljur. Meron kasi actually silang ibang gustong paangatin para mahila pababa si Aljur – iyon ang basa namin. Kitang-kita naman, eh.

There was even a time na may tumawag daw sa kaniyang isang executive ng GMA 7 para pakiusapan siyang mag-away sila ni Alden Richards.

Na-shock siyempre si Aljur – tinanong kung bakit kailangang mag-away sila eh, hindi maman sila magkagalit. Sabi ng nasabing boss ay para pam-publicity lang.

Nanghina raw si Aljur sa kaniyang narinig. Puwede raw pala yung ganoon? Hindi niya akalaing uutusan siya ng ganoon pero hindi niya ito ginawa. Teka lang, kaya palang gawin ng isang taga-Christian network iyon? I can’t imagine.

These are just some of the reasons and after hearing them from a reliable source, hindi na ako nagtaka kung bakit Aljur wants out of that management company.

Hindi naman siya inaalagan ng mga ito – instead na itaguyod pataas ay parang ibinabagsak at palabasing masama sa mata ng publiko.

Okay, masaya na ba sila ngayong pinag-iisipan ng madla si Aljur na walang utang na loob dahil he wants to be released sa network na nagsasabing nag-invest ng malaking halaga para magka-career siya?

Ang tanong lang naman dito, negosyante ang GMA 7 – sa palagay niyo ba ay mag-i-invest sila sa mga artista nila kung wala silang potensiyal na kikitain sa mga ito?

Sino ba ang bobang magsusugal sa isang tao kung wala siyang naisip na kapanalunan, sige nga? Tsaka, wait lang – kung utang na loob ang isyu nila against Aljur, siya lang ba ang may utang na loob sa kanila – sila ba’y walang dapat tanawing utang na loob sa mga artista nila?

“Doon sila kumikita, di ba? Tsaka hindi rin naman biro ang pinagdaanan ni Aljur sa kaniyang karera ah, hindi iyan isang ordinaryong lalaking napulot diyan sa kanto para pag-artistahin nila.

Parang dumaan din iyan sa butas ng karayom dahil sumali iyan sa Starstruck na talent search nila. “Amongst the thousands of hopefuls, pinalad lang ang batang manalo as their Ultimate Hunk and part of the package ay isang build-up contract.

And in fairness to Aljur, naging mabuti siyang sundalo sa kanila at sunud-sunuran sa mga gusto nila except doon sa mga maling utos. Ilabas na ninyo ang isyu ng utang na loob dahil in some ways ay nagkatulungan kayo pareho.

Mali ang ganitong pananaw, ‘no! It’s a mutual thing, two way dapat hindi yung sila lang ang tama,” sabi ng isang nakausap namin. Why am I writing this? Para malaman ng mga tao kung bakit nais na ni Aljur na kumawala sa kanila.

May nagtatanong kung bakit hindi muna nakipag-usap si Aljur with GMA 7 bosses bago siya nag-jump to filing the case sa court.
“That’s not true na bigla na lang nag-file si Aljur sa korte. He attempted many times to talk to the bosses pero hindi siya

pinagbigyan. He wanted a dialogue with them pero hindi siya in-entertain. Kaya he sought the assistance of Atty. Ferdie Topacio. Pinadalhan nila ng letter ang Artist Center pero hindi siya pinayagan siyempre.

Kaya napilitan na silang magsampa sa QC RTC,” anang source natin. I hope malinaw na ang lahat . He is not fighting the network, he has no plans of burning bridges.

Since hindi na siya masaya at komportable sa grupong nagpapatakbo ng kaniyang karera, karapatan niyang pumalag at magpa-release. Kayo, kapag naramdaman mong binabastos ka na, anong gagawin n’yo?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( bandera.ph file photo )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending