Fifth Pagotan napalayas sa Bahay Ni Kuya, sinalubong ng kakambal | Bandera

Fifth Pagotan napalayas sa Bahay Ni Kuya, sinalubong ng kakambal

Ervin Santiago - August 04, 2014 - 03:00 AM


MARAMI ang nalungkot nang mapalayas sa Bahay Ni Kuya ang kontrobersiyal na PBB housemate na si Fifth Pagotan, siya ang huling nag-exit sa reality show ng ABS-CBN matapos ang ginanap na eviction night noong Sabado ng gabi.

Si Fifth na diretsahang umamin on national television na isa siyang bisexual, ang ika-12 housemate na na-eliminate sa PBB All In matapos makakuha ng 16.52% boto mula aa mga manonood.

Ang iba nominated housemates sa huling eviction night ay sina Jane Oineza, Joshua Garcia at Manolo Pedrosa.Ilang supporters ng PBB ang nakausap namin ang nagsabi na hindi nila inaasahan na si Fifth ang matatanggal dahil in-expect nila na makakasama ito hanggang sa huling laban.

May nagsabi pa nga na malakas ang laban ni Fifth na maging Big Winner dahil maganda naman ang naging performance niya sa loob ng Big Brother house.

Nang tanungin naman si Fifth kung ano ang pinakamahalagang aral na natutunan niya sa PBB – ito raw ay ang pagiging honest, “Maging totoo sa sarili, at sa mga tao sa paligid mo. ‘Yun po.”

Sinalubong si Fifth ng kanyang kakambal na si Fourth pagkalabas nito ng Bahay Ni Kuya. Medyo naging emosyonal din ang muling pagkikita ng magkapatid. Nauna nang na-evict si Fourth sa PBB All In.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending