Nicco Manalo: Wala akong tinatanggap na kahit magkano sa tatay ko! | Bandera

Nicco Manalo: Wala akong tinatanggap na kahit magkano sa tatay ko!

Ervin Santiago - August 03, 2014 - 03:00 AM


KINUMPIRMA ng panganay na anak ni Jose Manalo na si Nicco na wala siyang tinatanggap na kahit magkano bilang sustento mula sa kanyang ama.

Sa presscon ng award-winning movie na “Barber’s Tales” na pinagbibidahan ni Eugene Domingo under APT Entertainment, ikinuwento ng anak ni Jose, na isa na ring aktor ngayon, ang estado ng relasyon nilang mag-ama.

Tinanong namin si Nicco kung nakapag-usap na sila ni Jose pagkatapos ng nangyaring iskandalo sa kanilang pamilya na naging sanhi ng paghihiwalay ng kanyang mga magulang.

Sagot ng aktor, “We haven’t talked yet. Last year pa kami huling nagka-text. Hindi pa rin kami nakakapag-usap nang personal talaga. Naka-receive ako ng text from him last year pa yata.”

May sama ka pa rin ba ng loob sa kanya? “Hindi mo naman maiiwasan siguro na may tampo, may sakit, ganu’n. Pero more than that, mas gusto ko pa ring makuha ‘yung sagot from him, but not in the near future, hindi pa.

But eventually, siguro, in due time, na masabi niya sa akin kung ano talaga ang nangyari. “Kasi isang side lang naman yung alam ko, e. yung sa mom ko lang. And we can’t help it na mas biased yung side na yun.

But for me, they’re my parents. I love them both, kaya lang, may mga tanong pa rin talaga na dapat masagot, kung bakit nangyari lahat ng ito,” pahayag ni Nicco Manalo na may maganda at seryosong role nga sa pelikulang “Barber’s Tales” na umami ng parangal sa iba’t ibang international film festival.

Nag-effort ba siya na makipag-usap sa daddy niya? “After nu’ng separation nila ng mom ko, hindi na talaga kami nakapag-usap, siguro for me, I believe na alam ng daddy ko kung ano ang nararamdaman ko.

Natutuwa ako na naiintindihan niya yun. Nirespeto niya yung feelings ko.  “Kasi ako yung panganay sa amin, e. So, hindi maiwasan na sa akin bumagsak yun lahat.

And marami akong kapatid na…i-explain sa kanila kung ano yung mga nangyari. Parang I do my best para maintindihan nila,” dagdag pa ng binata.

Totoo ba na ikaw na ang tumatayong tatay ngayon ng mga kapatid mo, at tumutulong sa nanay mo financially? “Tumutulong ako sa mom ko actually, hindi naman ako lang.

Ang mommy ko, kasama niya yung mga kapatid ko, ako sa bahay namin sa Quezon City, may kasama naman ako roon na tumutulong sa akin.

Nagtutulungan kami ng mom ko, kumbaga, after nung nangyari, talagang kinarir ko ang pagtatrabaho. “Nag-rest muna ako sa theater para mag-focus sa mainstream.

I wanted to do more films, tsaka sa TV, para mabigyan ng mas maraming opportunities. Para mas makatulong sa family ko,” esplika pa nito.

Nagbibigay pa rin ba ng tulong ang daddy mo? “Meron na silang napagkasunduan ng mom ko, pero hindi ako nakikialam du’n. I understand may ibinibigay si daddy, pero hindi ko alam ang agreement nila.”

Pero sa iyo, wala na talaga? “Oo, wala. Pero masaya ako na wala. Okay lang sa akin, na hindi ako kasama doon. Kasi nandu’n din ako sa point ng life ko na kinakaya ko na rin.

Being an actor in the Philippines is hard, pero kapag nakikita mong napapasaya mo ang mga tao, tapos kumikita ka pa, masaya lang.” Okay lang ba sa iyo na gumawa ng project kasama si Jose? “Not yet, not now.

Kahit malaki ang talent fee? Dahil du’n lang…ayoko namang ma sacrifice yung…kung may ilangan sa set, while working, ayokong mag-sacrifice yung project, I wouldn’t do it dahil lang malaki ang bayad.

“I mean, parang baka mas pag-usapan yung tungkol sa family namin kesa sa project. Kasi naranasan ko na rin yan, e. Na maraming nagtatanong sa akin about our family, na nasasapawan yung gusto kong i-discuss about our movie.

So, parang unfair sa producers, di ba?”  Samantala, pang-apat na beses na pala silang nagkasama ni Eugene Domingo sa movie – una sa “Kimmy Dora”, tapos sa  “Instant Mommy”, “Tuhog” at ito ngang “Barber’s Tales” na showing na sa Aug. 13 sa mga sinehan.

Gaano na kayo ka-close ni Uge? “Kasi nagkasama na kami sa apat na movies, du’n na-develop ang relationship namin, nagkakaintindihan na kasi kami…sa craft, kung anuman yung respeto sa ginagawa namin, at the same time pareho kaming mahilig magpatawa.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to EAS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending