Enchong Dee: Hindi na ako Virgin!
Diretsong inamin ni Enchong Dee on national television na hindi na siya virgin. Nangyari ito sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa Aquino & Abunda Tonight.
Natanong si Enchong kung ano ang komento niya sa “no sex before marriage policy” ni Nikki Gil na nagsabing hanggang ngayon ay virgin pa rin siya kahit nakailang boyfriend na siya.
Sey ni Enchong, “I always believe na may kanya-kanya tayong perspective sa buhay. Siguro respeto lang, if a girl wants that, let’s respect it.” Sa diretsong tanong ni tito Boy kung virgin pa ba siya o hindi na, ang tugon ni Enchong, “No!”
Sayang at hindi na itinanong kay Enchong kung kailan at kung sino ang nakauna sa kanya. Ha-hahaha! Anyway, showing na sa Aug. 6 ang latest movie nina Enchong at Erich Gonzales with JC de Vera, ang “Once A Princess” na idinirek ni Laurice Guillen under Skylight Films and Regal Entertainment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.