Vice sobrang angas, inupakan ng madlang pipol; pinagtatawanan ng mga mayayaman | Bandera

Vice sobrang angas, inupakan ng madlang pipol; pinagtatawanan ng mga mayayaman

Cristy Fermin - August 01, 2014 - 03:00 AM

VICE GANDA

Kaliwa’t kanang upak na naman ang tinanggap ngayon ni Vice Ganda dahil sa pataklesa niyang komento na karamihan sa mga kababayan nating nag-rally sa labas ng Kongreso nu’ng SONA ng Pangulong Noynoy Aquino ay nabigyan lang naman ng pambili ng bigas.

Hindi tuloy nakapagtimpi si Congressman Teddy Casiño na sinserong nakikisimpatya sa mga kapuspalad na humihingi ng pagbabago, sinagot nito ang tweet ng komedyante, ayon sa kinatawan ay nabigyan naman nang bilyon mula sa DAP ang mga nasa loob ng gusali.

Sa isang pakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan naming tutok ang panahon sa lokal na aliwan ay sinabi ng mga ito na lumalabis na kadalasan sa kanyang kaangasan si Vice Ganda.

“Instead na manglait at manglait ng maliliit na nga nating kababayan, sana, e, nagdasal na lang si Vice, nagpasalamat na lang sana siya, dahil hindi siya kabilang sa hanay ng mga kababayan nating nagdarahop dahil sinuwerte siya sa showbiz at nagkapera siya.

“Ang kaangasan niya kasi, e, naturalesa na niya. ‘Yun na siya, nakakalungkot lang isipin na ganyan na siya, samantalang hindi naman siya nanggaling sa pamilyang mayaman.

“Saka ang nag-angat sa career niya, e, masang Pinoy, pinagtatawanan nga lang siya ng mga elitista, di ba? Hindi maganda sa panlasa ang pag-judge niya sa mga raliyista, mayabang na mayabang ang dating niya,” pagdidiin ng aming kausap.

Wala kasing preno ang bibig ni Vice Ganda, mapagmarunong pa siya, buti pa nga ang kabayo at humihinto kapag biglaang hinihila ng kutsero ang tali sa leeg nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending